Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • lfb aralin 14 p. 40-p. 41 par. 1
  • Isang Aliping Sumunod sa Diyos

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Aliping Sumunod sa Diyos
  • Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • “Paano Ko Magagawa ang Malaking Kasamaang Ito?”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
  • Napoot kay Jose ang mga Kapatid Niya
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Pagtatagumpayin Ka ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2023
  • Nabilanggo si Jose
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
Iba Pa
Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
lfb aralin 14 p. 40-p. 41 par. 1
Tumakbo si Jose palayo sa asawa ni Potipar

ARAL 14

Isang Aliping Sumunod sa Diyos

Isa si Jose sa nakababatang anak ni Jacob. Napansin ng mga kuya ni Jose na paborito siya ng tatay nila. Ano kaya ang naramdaman nila? Nainggit sila kay Jose at nagalit sa kaniya. Nang magkaroon si Jose ng kakaibang panaginip, ikinuwento niya ang mga ito sa kanila. Inisip ng mga kuya niya na darating ang araw na yuyukod sila kay Jose. Lalo tuloy silang nagalit sa kaniya!

Si Jose ay inihulog ng mga kapatid niya sa hukay

Isang araw, nagbabantay ng mga tupa ang mga kuya ni Jose malapit sa lunsod ng Sikem. Inutusan ni Jacob si Jose na puntahan ang mga kuya niya. Malayo pa lang si Jose, nakita na siya ng mga kuya niya. Sinabi nila: ‘Heto na y’ong laging nananaginip. Patayin natin!’ Kinuha nila siya at itinapon sa malalim na hukay. Pero sinabi ng kuya niyang si Juda: ‘Huwag n’yo siyang patayin! Ibenta na lang natin siya para maging alipin.’ Sa halagang 20 pirasong pilak, ibinenta nila si Jose sa mga negosyanteng Midianita na papunta sa Ehipto.

Pagkatapos, isinawsaw ng mga kuya ni Jose ang damit niya sa dugo ng kambing, ipinakita sa tatay nila, at sinabi: ‘Damit ito ng anak n’yo, ’di ba?’ Kaya inisip ni Jacob na pinatay si Jose ng isang mabangis na hayop. Lungkot na lungkot siya.

Si Jose sa loob ng bilangguan

Sa Ehipto, ibinenta si Jose sa mataas na opisyal na si Potipar. Pero hindi pinabayaan ni Jehova si Jose. Napansin ni Potipar na masipag si Jose at maaasahan. Kaya di-nagtagal, kay Jose ipinagkatiwala ang lahat ng pag-aari ni Potipar.

Napansin ng asawa ni Potipar na si Jose ay guwapo at malakas. Araw-araw niyang niyayaya si Jose na mahiga sa tabi niya. Ano ang gagawin ni Jose? Sinabi ni Jose: ‘Ayoko! Masama ’yon. Nagtitiwala sa akin ang panginoon ko, at asawa ka niya. Kapag pumayag ako, magkakasala ako sa Diyos!’

Isang araw, pilit na pinahihiga ng asawa ni Potipar sa tabi niya si Jose. Hinatak niya ang damit ni Jose, pero nakatakbo ito. Pag-uwi ni Potipar, nagsumbong ang asawa niya at sinabing may ginawang masama sa kaniya si Jose. Pero hindi siya nagsasabi ng totoo. Galít na galít si Potipar, at ipinakulong niya si Jose. Pero hindi pinabayaan ni Jehova si Jose.

“Magpakababa kayo sa ilalim ng makapangyarihang kamay ng Diyos, para maitaas niya kayo sa takdang panahon.”​—1 Pedro 5:6

Tanong: Ano ang ginawa ng mga kuya ni Jose sa kaniya? Bakit ipinakulong si Jose?

Genesis 37:1-36; 39:1-23; Gawa 7:9

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share