Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • my kuwento 22
  • Nabilanggo si Jose

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nabilanggo si Jose
  • Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Aliping Sumunod sa Diyos
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • “Hindi Ba ang mga Pakahulugan ay sa Diyos?”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • “Paano Ko Magagawa ang Malaking Kasamaang Ito?”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
  • Pagtatagumpayin Ka ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2023
Iba Pa
Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
my kuwento 22

KUWENTO 22

Nabilanggo si Jose

17 ANYOS lang si Jose nang dalhin siya sa Ehipto. Doo’y ipinagbili siya kay Potipar. Si Potipar ay nagtatrabaho sa hari ng Ehipto, si Paraon.

Nagtrabahong mabuti si Jose para sa panginoon niya. Kaya habang nagkakaedad si Jose, siya ay inilagay ni Potipar para mangasiwa sa buong pamamahay niya.

Si Jose ay lumaki na isang makisig na lalaki, at gusto ng asawa ni Potipar na ito ay humiga sa tabi niya. Pero alam ni Jose na masama ito kaya umayaw siya. Galit-na-galit ang asawa ni Potipar. Kaya nagsinungaling ito sa kaniyang asawa at nagsabi: ‘Tinangka akong pagsamantalahan ni Jose!’ Naniwala si Potipar at ipinabilanggo si Jose.

Dahil sa mabait si Jose, siya ang nag-asikaso sa lahat ng mga ibang bilanggo. Pagkatapos, nagalit si Paraon sa kaniyang tagasilbi ng alak at sa kaniyang panadero, kaya ipinabilanggo rin niya sila. Isang gabi pareho silang nagkaroon ng pambihirang panaginip. Kinabukasan sinabi ni Jose: ‘Ikuwento ninyo sa akin ang iyong mga panaginip.’ Ikinuwento nila, at sa tulong ng Diyos, ay ipinaliwanag ni Jose ang kahulugan ng mga panaginip nila.

Sinabi ni Jose sa tagasilbi ng alak na tatlong araw na lang at makakalaya na siya. Nakiusap siya dito na alalahanin siya kapag ito ay nakalaya na. Pero sa panadero ay sinabi niya: ‘Tatlong araw pa at pupugutan ka ng ulo ni Paraon.’

Pagkaraan ng tatlong araw nangyari nga ang sinabi ni Jose. Pinugutan ni Paraon ng ulo ang panadero. Pero ang tagasilbi ng alak ay pinalaya at nakapagtrabaho uli ito sa hari. Pero nakalimutan niya si Jose. Kaya si Jose ay hindi nakalabas sa bilangguan.

Genesis 39:1-23; 40:1-23.

Mga Tanong sa Pag-aaral

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share