Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • my kuwento 35
  • Ibinigay ni Jehova ang mga Batas Niya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ibinigay ni Jehova ang mga Batas Niya
  • Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Pangako kay Jehova
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Aklat ng Bibliya Bilang 5—Deuteronomio
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
  • Inaalam ang mga Daan ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
  • Moises
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
my kuwento 35

KUWENTO 35

Ibinigay ni Jehova ang mga Batas Niya

MGA dalawang buwan pagkaalis nila sa Ehipto, dumating ang mga Israelita sa Bundok Sinai, na tinatawag ding Horeb. Dito rin nakipag-usap si Jehova kay Moises mula sa nagliliyab na puno. Dito sila nagtayo ng kampamento nang sandaling panahon.

Nag-iisang umakyat si Moises sa bundok. Sa ibabaw ng bundok, sinabi ni Jehova kay Moises na gusto niyang sumunod ang mga Israelita sa kaniya at sila’y magiging pantanging bayan niya. Nanaog si Moises at sinabi ito sa mga Israelita. Pumayag sila na sumunod kay Jehova kasi gusto nila na maging kaniyang bayan.

Pinausok ni Jehova ang taluktok ng bundok, at nagpadala ng malakas na kulog. Sinabi din niya sa bayan: ‘Ako si Jehova ang inyong Diyos na naglabas sa inyo mula sa Ehipto.’ Pagkatapos ay nag-utos siya: ‘Huwag kayong sasamba sa ibang diyos maliban sa akin.’

Ang mga Israelita ay binigyan ng Diyos ng siyam pang mga utos o batas. Natatakot ang mga tao. Sinabi nila kay Moises: ‘Ikaw na lang ang makipag-usap sa amin, kasi natatakot kami na kung ang Diyos ang makikipag-usap sa amin, baka kami mamatay.’

Pagkatapos, pinabalik ng Diyos si Moises sa bundok. Sumunod si Moises at nanatili siya sa bundok ng 40 araw at 40 gabi.

Maraming ibinigay na batas ang Diyos. Isinulat ni Moises ang mga ito. Binigyan din ng Diyos si Moises ng dalawang malapad na bato. Doon isinulat ng Diyos ang 10 batas na sinabi niya sa mga tao. Ang tawag dito ay Sampung Utos.

Ang Sampung Utos ay mahalagang mga batas. Ganoon din ang ibang batas na ibinigay ng Diyos sa mga Israelita. Isa dito ay: ‘Ibigin mo si Jehova ng iyong buong puso, buong isip, buong kaluluwa at buong lakas.’ Ang isa pa ay: ‘Ibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.’ Sinabi ni Jesu-Kristo na ito ang pinakadakilang batas na ibinigay ng Diyos sa Israel.

Exodo 19:1-25; 20:1-21; 24:12-18; 31:18; Deuteronomio 6:4-6; Levitico 19:18; Mateo 22:36-40.

Mga Tanong sa Pag-aaral

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share