Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • lfb aralin 23 p. 60-p. 61 par. 4
  • Isang Pangako kay Jehova

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Pangako kay Jehova
  • Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Ibinigay ni Jehova ang mga Batas Niya
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Sinai
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Sinai—Bundok ni Moises at ng Awa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Inaalam ang mga Daan ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
Iba Pa
Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
lfb aralin 23 p. 60-p. 61 par. 4
Nakatayo ang mga Israelita sa paanan ng Bundok Sinai

ARAL 23

Isang Pangako kay Jehova

Mga dalawang buwan pagkaalis sa Ehipto, nakarating ang mga Israelita sa Bundok Sinai at nagkampo doon. Pinaakyat ni Jehova si Moises sa bundok at sinabi sa kaniya: ‘Iniligtas ko ang mga Israelita. Kung susundin nila ang aking mga utos, magiging espesyal na bayan ko sila.’ Bumaba si Moises at sinabi sa mga Israelita ang sinabi ni Jehova. Ano ang sagot nila? Sinabi ng mga Israelita: ‘Gagawin namin ang lahat ng ipinapagawa ni Jehova.’

Umakyat ulit si Moises sa bundok. Doon, sinabi ni Jehova: ‘Tatlong araw mula ngayon, makikipag-usap ako sa iyo. Sabihin mo sa bayan na huwag silang aakyat sa Bundok Sinai.’ Bumaba si Moises at sinabi sa mga Israelita na maghanda para sa sasabihin ni Jehova.

Nakakita ang mga Israelita ng kidlat at makapal na ulap sa ibabaw ng Bundok Sinai

Pagkaraan ng tatlong araw, nakakita ang mga Israelita ng kidlat at isang makapal na ulap sa bundok. Nakarinig din sila ng malakas na kulog at tunog ng tambuli, o trumpeta. Pagkatapos, bumaba sa bundok si Jehova na parang apoy. Nanginig sa takot ang mga Israelita. Umuga nang malakas ang bundok at nabalot ito ng usok. Ang tunog ng tambuli ay palakas nang palakas. Pagkatapos, sinabi ng Diyos: ‘Ako si Jehova. Huwag kayong sasamba sa ibang mga diyos.’

Umakyat ulit si Moises sa bundok, at ibinigay ni Jehova sa kaniya ang mga utos para sa bayan. Tungkol ito sa tamang paraan ng pagsamba sa Kaniya at kung paano sila dapat gumawi. Isinulat ni Moises ang mga utos at binasa iyon sa mga Israelita. Nangako sila: ‘Gagawin namin ang lahat ng ipinapagawa ni Jehova.’ Oo, nangako sila sa Diyos. Pero tutuparin kaya nila iyon?

“Dapat mong ibigin si Jehova na iyong Diyos nang buong puso mo at nang buong kaluluwa mo at nang buong pag-iisip mo.”​—Mateo 22:37

Tanong: Ano ang naganap sa Bundok Sinai? Ano ang ipinangako ng mga Israelita?

Exodo 19:1–20:21; 24:1-8; Deuteronomio 7:6-9; Nehemias 9:13, 14

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share