Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • my kuwento 48
  • Ang Matatalinong Gabaonita

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Matatalinong Gabaonita
  • Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Si Josue at ang mga Gibeonita
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Gibeon
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Mga Aral Tungkol sa mga Gibeonita
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2021
  • “Si Jehova na Aming Diyos ang Paglilingkuran Namin”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
Iba Pa
Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
my kuwento 48

KUWENTO 48

Ang Matatalinong Gabaonita

ANG mga lunsod ng Canaan ay naghahanda ngayong lumaban sa Israel. Pero naniwala ang mga taga-Gabaon na ang Diyos ay tumutulong sa mga Israelita. Ayaw nilang lumaban sa Diyos. Ano kaya ang ginawa nila?

Nagkunwari sila na taga-malayo. Ang ilan sa mga lalaki ay nagsuot ng gula-gulanit na damit at pudpod na sandalyas. Kinargahan nila ang kanilang mga asno ng lumang mga sako at nagdala sila ng lumang tinapay. Sinabi nila kay Josue: ‘Galing kami sa malayong lupain, kasi nabalitaan namin ang ginawa ng inyong dakilang Diyos na si Jehova. Kaya, kami ngayon ay inyong mga alipin. Ipangako ninyo na hindi kayo makikipagdigma sa amin.’

Nakita ni Josue at ng mga pinuno ang mga lumang damit at tinapay, kaya naniwala sila. Nangako sila na hindi makikipagdigma sa kanila. Pero pagkaraan ng tatlong araw, nalaman nila na ang mga Gabaonita ay nakatira lang pala sa malapit.

‘Bakit ninyo sinabi sa amin na galing kayo sa malayong lupain?’ tanong ni Josue.

Sumagot ang mga Gabaonita: ‘Nabalitaan namin na ipinangako ng inyong Diyos na si Jehova ang buong lupain ng Canaan sa inyo. Kaya natakot kami na baka ninyo kami patayin.’ Hindi sila pinatay ng mga Israelita. Sa halip, ay ginawa silang mga alipin.

Ang hari ng Jerusalem ay nagalit sa ginawa ng mga Gabaonita. Kaya sinabi niya sa apat na iba pang hari: ‘Halikayo at tulungan ninyo akong makipagdigma sa Gabaon.’ Ganito nga ang ginawa ng limang hari. Matalino ba ang mga Gabaonita sa pakikipagpayapaan sa Israel? Malalaman natin.

Josue 9:1-27; 10:1-5.

Mga Tanong sa Pag-aaral

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share