Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • lfb aralin 31 p. 78
  • Si Josue at ang mga Gibeonita

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Si Josue at ang mga Gibeonita
  • Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Matatalinong Gabaonita
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Huminto ang Araw
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • “Si Jehova na Aming Diyos ang Paglilingkuran Namin”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Aklat ng Bibliya Bilang 6—Josue
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
Iba Pa
Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
lfb aralin 31 p. 78
Lumapit ang mga Gibeonita kay Josue at sa kaniyang hukbo na suot ang lumang damit

ARAL 31

Si Josue at ang mga Gibeonita

Nabalitaan ng iba pang mga bansa sa Canaan ang nangyari sa Jerico. Nagkaisa ang mga hari na labanan ang mga Israelita. Pero iba ang naisip ng mga Gibeonita. Suot ang lumang damit, pumunta sila kay Josue, at sinabi: ‘Napakalayo ng pinanggalingan namin. Nabalitaan namin ang tungkol kay Jehova at ang lahat ng ginawa niya para sa inyo noong kayo ay nasa Ehipto at Moab. Mangako kayong hindi n’yo kami lulusubin, at maglilingkod kami sa inyo.’

Naniwala si Josue at nangakong hindi sila lulusubin. Pagkaraan ng tatlong araw, nalaman ni Josue na hindi naman pala sila galing sa malayo. Taga-Canaan lang sila. Tinanong ni Josue ang mga Gibeonita: ‘Bakit kayo nagsinungaling?’ Sumagot sila: ‘Natakot kasi kami! Alam naming ang Diyos n’yong si Jehova ang nakikipaglaban para sa inyo. Parang awa n’yo na, huwag n’yo kaming patayin.’ Tinupad ni Josue ang pangako niya at hindi sila pinatay.

Di-nagtagal, binantaan ng limang haring Canaanita at ng kani-kanilang hukbo ang mga Gibeonita. Si Josue at ang kaniyang hukbo ay magdamag na nagmartsa papunta sa Gibeon para iligtas sila. Kinaumagahan, nagsimula ang labanan. Kung saan-saan nagtakbuhan ang mga Canaanita para tumakas. Pero kahit saan sila pumunta, pinauulanan sila ni Jehova ng malalaking tipak ng yelo. ’Tapos, nakiusap si Josue kay Jehova na huwag palubugin ang araw. Hindi pa ito nangyari kahit kailan, kaya bakit niya ito hihilingin kay Jehova? Kasi, may tiwala si Josue kay Jehova. Hindi lumubog ang araw hanggang sa matalo ng mga Israelita ang mga haring Canaanita at ang mga hukbo nila.

Nakatingin si Josue sa langit at humihiling kay Jehova na huwag palubugin ang araw

“Tiyakin ninyo na ang inyong ‘Oo’ ay oo at ang inyong ‘Hindi’ ay hindi, dahil ang pagiging di-tapat sa sinasabi ay katangian ng masama.”​—Mateo 5:37

Tanong: Ano ang ginawa ng mga Gibeonita para iligtas ang kanilang sarili? Paano tinulungan ni Jehova ang mga Israelita?

Josue 9:1–10:15

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share