Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • my kuwento 50
  • Dalawang Matatapang na Babae

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Dalawang Matatapang na Babae
  • Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Bagong Lider at Dalawang Matatapang na Babae
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • “Ako ay Bumangon Bilang Isang Ina sa Israel”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Sa Pananampalataya, Dinaig ni Barak ang Isang Malakas na Hukbo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
  • Sisera
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
my kuwento 50

KUWENTO 50

Dalawang Matatapang na Babae

KAPAG napapasubo sa gulo ang mga Israelita, nananawagan sila kay Jehova. Kaya naman binibigyan sila ni Jehova ng matatapang na pinuno para tulungan sila. Ang tawag ng Bibliya sa mga pinunong ito ay mga hukom. Si Josue ang unang hukom. Pero nakatulong sa Israel ang dalawang babaeng nagngangalang Debora at Jael.

Si Debora ay propetisa. Sinasabi sa kaniya ni Jehova kung ano ang mangyayari, at sinasabi naman niya ito sa bayan. Siya ay isa ring hukom. Sa kaniya humihingi ng tulong ang bayan sa kanilang mga problema.

Si Jabin noon ang hari sa Canaan. Malakas ang kaniyang hukbo at maraming Israelita ang sapilitan niyang inalipin. Ang hepe ng hukbo ni Jabin ay nagngangalang Sisera.

Isang araw ay ipinatawag ni Debora si Hukom Barak at sinabi sa kaniya: ‘Sinabi ni Jehova: “Magsama ka ng 10,000 lalaki at umahon ka sa Bundok Tabor. Doon ay bibigyan kita ng tagumpay laban kay Sisera at sa kaniyang hukbo.” ’

Sinabi ni Barak: ‘Pupunta ako kung sasama ka.’ Sumama si Debora, pero sinabi niya: ‘Hindi mo kakamtin ang karangalan ng tagumpay sapagka’t si Sisera ay ibibigay ni Jehova sa kamay ng isang babae.’

Lumusong si Barak sa Bundok Tabor para salubungin ang hukbo ni Sisera. Biglang nagpadala si Jehova ng baha, at marami sa mga kaaway na sundalo ang nalunod. Pero tumakas si Sisera.

Di nagtagal, dumating si Sisera sa tolda ni Jael. Pinapasok siya nito at pinainom ng gatas. Nakatulog agad ito. Pagkatapos, isang malaking pako ang ibinaon ni Jael sa ulo ng masamang lalaking ito. Nang dumating si Barak nakita niyang patay na si Sisera! Nagkatotoo nga ang sinabi ni Debora.

Sa wakas ay napatay din si Haring Jabin, at ang mga Israelita ay nagkaroon ng pansamantalang kapayapaan.

Hukom 2:14-22; 4:1-24; 5:1-31.

Mga Tanong sa Pag-aaral

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share