Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • my kuwento 52
  • Si Gideon at ang Kaniyang 300 Kawal

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Si Gideon at ang Kaniyang 300 Kawal
  • Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • “Ang Tabak ni Jehova at ni Gideon!”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
  • Gideon
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Tinalo ni Gideon ang mga Midianita
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Mga Elder—Matuto kay Gideon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2023
Iba Pa
Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
my kuwento 52

KUWENTO 52

Si Gideon at ang Kaniyang 300 Kawal

NAKIKITA mo ba ang nangyayari? Silang lahat ay mga mandirigma ng Israel. Ang mga lalaking nakayuko ay umiinom. Si Hukom Gideon ang lalaking nakatayo sa tabi nila. Pinapanood niya ang pag-inom nila ng tubig.

Nakikita mo ba kung papaano uminom ang mga lalaki? Ang ilan sa kanila ay sumusubsob sa tubig. Pero sinasalok ng isa ang tubig sa kaniyang kamay, para makita niya kung ano ang nangyayari sa paligid. Importante ang bagay na ito. Sinabi ni Jehova kay Gideon na piliin lang ang mga lalaking nagbabantay habang umiinom. Tingnan natin kung bakit.

Nagigipit na naman ang mga Israelita. Hindi sila sumunod kay Jehova. Nadadaig sila ng mga taga-Midian at pinahihirapan sila. Kaya ang mga Israelita ay nanawagan kay Jehova.

Sinabi ni Jehova kay Gideon na bumuo ng isang hukbo, kaya nagtipon si Gideon ng 32,000 mandirigma. Pero 135,000 kawal ang kalaban ng Israel. Gayunman sinabi pa rin ni Jehova kay Gideon: ‘Masyadong marami ang iyong tauhan.’ Bakit kaya?

Kasi kung mananalo ang Israel sa digmaan, baka isipin nila na iyon ay napanalunan nila sa kaniyang sarili at hindi sila tinulungan ni Jehova. Kaya sinabi ni Jehova kay Gideon: ‘Sabihin mo sa lahat ng lalaking natatakot na magsiuwi na sila.’ Nang gawin ito ni Gideon, 22,000 kawal ang umuwi.

Pero, makinig ka! Sinabi ni Jehova: ‘Masyado pa ring marami ang tauhan mo.’ Kaya sinabi niya kay Gideon na painumin ang mga lalaki sa batis na ito at pauwiin ang lahat ng sumusubsob sa tubig at hindi nagbabantay. Nangako si Jehova: ‘Bibigyan kita ng tagumpay sa pamamagitan ng 300 kawal na natira.’

Bawa’t isa sa 300 kawal ay binigyan ni Gideon ng isang tambuli at isang banga na may sulo sa loob. Nang hatinggabi na, pinaligiran nila ang kampo ng kaaway. Sabay-sabay nilang hinipan ang kanilang mga tambuli at binasag ang kanilang mga banga at sumigaw sila nang malakas. Nagising ang mga kaaway na sundalo. Natakot ang mga ito at nagtakbuhan. Nanalo ang mga Israelita sa digmaan.

Mga Hukom kabanatang 6 hanggang 8.

Mga Tanong sa Pag-aaral

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share