Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • my kuwento 110
  • Si Timoteo—Bagong Katulong ni Pablo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Si Timoteo—Bagong Katulong ni Pablo
  • Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Si Timoteo—Handang Maglingkod
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • “Ang Aking Minamahal at Tapat na Anak sa Panginoon”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Sina Pablo at Timoteo
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Timoteo—“Isang Tunay na Anak sa Pananampalataya”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
Iba Pa
Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
my kuwento 110

KUWENTO 110

Si Timoteo​—Bagong Katulong ni Pablo

ANG binatang kasama ni apostol Pablo ay si Timoteo. Si Timoteo at ang pamilya niya ay nakatira sa Listra. Ang nanay niya ay nagngangalang Eunice at ang lola niya ay si Lois.

Ano ba ang sinasabi ni Pablo kay Timoteo? ‘Gusto mo bang sumama sa amin ni Silas?’ itinatanong niya. ‘Kailangan namin ang tulong mo sa pangangaral sa mga tao sa malayong lugar.’

Sinabi ni Timoteo na gusto niyang sumama. Kaya hindi nagtagal at iniwan ni Timoteo ang kaniyang pamilya para sumama kay Pablo at Silas. Bago natin alamin ang tungkol sa kanilang paglalakbay, tingnan muna natin ang nangyayari kay Pablo. 17 taon na mula nang magpakita sa kaniya si Jesus sa daan patungong Damasco.

Tandaan, papunta si Pablo sa Damasco para pahirapan ang mga alagad ni Jesus, pero siya ngayon ay isa na ring alagad! Nang dakong huli binalak ng ilang kaaway na patayin siya, pero tinulungan siya ng mga alagad para makatakas. Isinakay siya sa isang basket at ibinaba ito sa labas ng pader ng lunsod.

Pagkatapos ay nagpunta si Pablo sa Antioquia para mangaral. Dito unang tinawag na Kristiyano ang mga alagad ni Jesus. Sina Pablo at Bernabe ay isinugo para mangaral sa malalayong bansa. Isa sa kanilang dinalaw ay ang Listra, ang lugar ni Timoteo.

Pagkalipas ng isang taon, gumawa si Pablo ng ikalawang paglalakbay pabalik sa Listra. Nang sumama si Timoteo kina Pablo at Silas, saan kaya sila pumunta? Alamin natin sa mapa.

[Mapa]
[Mapa]
[Mapa]

Una’y nagpunta sila sa Iconio, at sa isa pang lunsod na nagngangalang Antioquia. Dinalaw nila ang Troas, Filipos, Tesalonica at Berea. Ang sumunod na pinangaralan ni Pablo ay ang Atenas. Nakikita mo ba ito sa mapa? Pagkatapos ay gumugol sila ng isang taon at kalahati sa Corinto. At dinalaw nila ang Efeso. Nagbalik sila sakay ng barko hanggang sa Cesaria at nagtungo sila sa Antioquia, at doon naiwan si Pablo.

Daan-daang milya ang nilakbay ni Timoteo sa pagtulong kay Pablo na mangaral at magtayo ng mga bagong kongregasyon. Paglaki mo, magiging tapat na lingkod ka kaya ng Diyos, gaya ni Timoteo?

Gawa 9:19-30; 11:19-26; mga kabanatang 13 hanggang 17; 18:1-22.

Mga Tanong sa Pag-aaral

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share