Lilipulin Ba Uli ng Diyos ang Masasama?
22 Napakasama rin ang mga tao ngayon. Ano ba ang mga kasamaang iyan?
23 Ang iba’y pumapatay ng kapuwa-tao. Ibinabawal ito ng Diyos.—Exodo 20:13; 1 Juan 3:11, 12
24 Ang iba’y nagnanakaw. Ibinabawal ng Diyos ang pagnanakaw.—Exodo 20:15; Efeso 4:28
25 May mga lalaking maraming asawa. Ang iba’y may kinakasamang dalawa o higit pa sa bukud-bukod na tahanan. At mayroon ding nagsasama na lang nang di-kasal. Lahat na ito’y laban sa sinasabi ng Bibliya.—Mateo 19:4-6; 1 Corinto 7:1-4; 1 Timoteo 3:1, 2
26 Natatandaan mo ba na iisang asawa ang ibinigay ng Diyos kay Adan?—Genesis 2:22, 24
27 Ang iba’y sumasamba sa idolo. Ibinabawal ng Diyos ang paggamit ng mga idolo o imahen sa pagsamba.—Exodo 20:4, 5; Isaias 44:9-17; 1 Juan 5:21
28 Lilipulin ni Jehova ang masasama na ayaw magbago.—Awit 37:9, 10; Lucas 13:5; 1 Corinto 6:9, 10