Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • gf aralin 14 p. 22-23
  • Iniiwasan ng mga Kaibigan ng Diyos ang Masama

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iniiwasan ng mga Kaibigan ng Diyos ang Masama
  • Maaari Kang Maging Kaibigan ng Diyos!
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Gawaing Kinamumuhian ng Diyos
    Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?
  • Ano ang Dapat Nating Gawin Para Mapasaya ang Diyos?
    Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman
  • Lilipulin Ba Uli ng Diyos ang Masasama?
    Tamasahin ang Buhay sa Lupa Magpakailanman!
  • “Panahon ng Pag-ibig at Panahon ng Pagkapoot”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
Iba Pa
Maaari Kang Maging Kaibigan ng Diyos!
gf aralin 14 p. 22-23

ARALIN 14

Iniiwasan ng mga Kaibigan ng Diyos ang Masama

Tinutukso ni Satanas ang mga tao upang gumawa ng masasamang bagay. Ang isang nagnanais na maging kaibigan ng Diyos ay kailangang mapoot sa kinapopootan ni Jehova. (Awit 97:10) Narito ang ilang mga bagay na iniiwasan ng mga kaibigan ng Diyos:

Mga gawaing kinapopootan ni Jehova gaya ng seksuwal na imoralidad, paglalasing, aborsiyon, pagnanakaw, pagsisinungaling, di-mapigil na galit, at pagsusugal

Seksuwal na mga kasalanan. “Huwag kang mangangalunya.” (Exodo 20:14) Ang pagtatalik bago ang kasal ay mali rin.​—1 Corinto 6:18.

Paglalasing. “Ang mga lasenggo . . . [ay hindi] magmamana ng kaharian ng Diyos.”​—1 Corinto 6:10.

Pagpaslang, Aborsiyon. “Huwag kang papaslang.”​—Exodo 20:13.

Pagnanakaw. “Huwag kang magnanakaw.”​—Exodo 20:15.

Pagsisinungaling. Kinapopootan ni Jehova ang “bulaang dila.”​—Kawikaan 6:17.

Karahasan at Di-mapigil na Galit. “Ang sinumang umiibig sa karahasan ay kinapopootan nga [ni Jehova].” (Awit 11:5) “Ang mga gawa ng laman ay [naglalakip sa] . . . mga silakbo ng galit.”​—Galacia 5:​19, 20.

Pagsusugal. “Tumigil sa pakikihalubilo sa sinumang . . . taong sakim.”​—1 Corinto 5:11.

Panlahi at Etnikong mga Pagkakapootan. “Patuloy na ibigin ang inyong mga kaaway at ipanalangin yaong mga umuusig sa inyo.”​—Mateo 5:​43, 44.

Ang mga bagay na sinasabi sa atin ng Diyos ay ukol sa ating ikabubuti. Hindi laging madaling iwasan ang paggawa ng masasamang bagay. Sa tulong ni Jehova at sa tulong ng kaniyang mga Saksi, maiiwasan mo ang paggawa ng mga bagay na hindi kinalulugdan ng Diyos.​—Isaias 48:​17; Filipos 4:​13; Hebreo 10:​24, 25.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share