Awit 31
Sigasig sa Bahay ni Jehova
1. Do’n sa bahay ni Jehova
Si Jesus masigasig.
Kasalana’y ibinunyag,
Nag-apoy kanyang dibdib.
Nangaral ng Kaharian ng Diyos,
Upang mga tao’y maligtas.
At sa karangalan ng Ama niya
Ang sigasig maningas.
2. May sigasig ding taglay ang
Apostol at alagad.
Ang espiritu’y tumulong,
Kongregasyo’y umunlad!
Nangaral sila nang walang tigil,
Sila ay nagbabahay-bahay.
Kaligtasan ay matatamasa,
Kung pagsisisi’y tunay.
3. At ngayo’y mayroong bayang
Hangad din ay katwiran.
Ang sigasig walang kupas
Sa mundong tampalasan.
Si Jehova ang nagpapakilos;
Sila ay buong-kaluluwa.
Pasulong sila sa pangangaral,
Masigasig sa tuwina.