Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 10/90 p. 1-7
  • Maging Masigasig sa Pagpapalaganap sa Balita ng Kaharian

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Maging Masigasig sa Pagpapalaganap sa Balita ng Kaharian
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • IPAKITA ANG SIGASIG SA PAG-AALOK NG SUSKRIPSIYON
  • PAGGAWA NG ATING BAHAGI
  • Pagpapamalas ng Sigasig sa Marso at Abril
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
  • Gamitin ang mga Brochure Upang Ibahagi ang Inyong Pag-asa sa Kaharian
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
  • ‘Masigasig Ka ba sa Maiinam na Gawa’?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Isagawa ang Gawain ng Isang Ebanghelisador
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
km 10/90 p. 1-7

Maging Masigasig sa Pagpapalaganap sa Balita ng Kaharian

1 Si Jehova ay isang Diyos ng maiinam na mga gawa, at siya’y masikap sa pagsasakatuparan ng mga yaon. Ang lahat niyang gawin ay ukol sa ikabubuti ng mga naglilingkod sa kaniya. Si Jesus ay nagbigay ng mainam na halimbawa sa pagtulad sa sigasig ng kaniyang Ama. Kailangan din tayong magpakita ng sigasig sa ating paglilingkod sa Diyos na Jehova kung nais nating mapabilang sa kaniyang bayan na “masikap sa mabubuting gawa.”—Tito 2:14.

2 Ang maiinam na gawa ng mga Kristiyano ay kapakipakinabang sa iba. Ang pinakamabuting bagay na maaari nating gawin para sa isa ay ang tulungan siyang makilala si Jehova at maglingkod sa kaniya. (Juan 17:3) Naibibigay natin ang gayong tulong sa pamamagitan ng ating masigasig na pangangaral ng Kaharian at paggawa ng alagad.

3 Ano ang sigasig? Ang sigasig ay kasiglahan. Ang sigasig ng Kristiyano ay nagmumula sa marubdob na pagnanais na gawin ang tama at karapatdapat. Ang Griyegong salita para sa “sigasig” ay nangangahulugang “kumukulo.” Bilang mga ministro ng Diyos, dapat nating ipakita ang katangiang ito habang pinalalaganap natin ang balita ng Kaharian. Tayo ba ay masigasig sa ating ministeryo? Ginagawa ba natin ang lahat ng ating makakaya upang tulungan ang iba na matuto tungkol sa mga layunin ni Jehova?

IPAKITA ANG SIGASIG SA PAG-AALOK NG SUSKRIPSIYON

4 Sa buwan ng Oktubre, taglay nating muli ang pribilehiyo na ialok ang suskripsiyon sa Gumising! sa isang taon. Itinatawag-pansin ng Gumising! sa mga mambabasa nito ang mahahalagang pangyayari sa daigdig. Ang mga matitingkad na ilustrasyon nito na nagpapakita sa kamangha-manghang paglalang na umaakit ng interes tungo sa bagong sanlibutan at nagpapalalim ng pagpapahalaga sa maibiging Maylikha.

PAGGAWA NG ATING BAHAGI

5 Bago natin wastong mapasigla ang tapat-pusong mga tao na bumasa ng ating mga magasin, kailangan nating mabatid kung ano ang nilalaman ng bawa’t isa sa mga ito. Kailangan tayong maging pamilyar kung papaano natin maiuugnay ang Paksang Mapag-uusapan sa isyu na ating iaalok. Anong espesipikong mga punto sa magasin ang maaari nating banggitin? Kung pagsisikapan nating alamin ang mga magasin at magkaroon sa ating isipan ng kasiglahan sa mga ito, tayo ay masasangkapan na maiharap ito doon sa mga nasa ating teritoryo taglay ang sigasig.

6 Karagdagan pa, sa pamamagitan ng pagtataglay natin ng bagong mga magasin samantalang tayo ay namimili, sumasakay sa mga pampublikong transportasyon, sa paaralan, sa ating pinapasukan, o saan man tayo magtungo, masasamantala natin ang angkop na mga pagkakataon na makapagpatotoo. Ang piling mga pambungad mula sa aklat na Nangangatuwiran kalakip ng isang punto mula sa isa sa mga artikulo ay maaaring pumukaw ng interes ng tao na magbasa ng ating mga magasin.

7 Kung sumang-ayon ang indibiduwal na magbasa ng ating mga magasin, maaari tayong makipag-usap sa kaniya hinggil sa gawain natin at kung papaanong ang mga magasing ito ay inilalathala nang makalawa sa isang buwan bilang bahagi ng ating pambuong daigdig na edukasyonal na gawain sa Bibliya. Ang impormasyon sa pahina 4 ng Gumising! ay may mabuting paliwanag dito. Yamang ang nilalaman ng susunod na isyu ay laging nakalista, maaari tayong magharap ng nababagay na katanungan o itawag-pansin ang susunod na mga artikulo. Ito ang maaaring pumukaw sa gana ng tao na magpangyaring siya’y sumuskribe ng mga magasin.

8 Yamang ito ay mapanganib na mga panahon, ang pabalitang taglay natin ay apurahan. May pangangailangan para sa atin na maging masigasig sa pagpapalaganap sa balita ng Kaharian, na pinasisigla ang iba na makilala ang Diyos at ang kaniyang Salita. Sa pamamagitan ng masigasig na pagpapalaganap ng nagbibigay-buhay na kaalamang ito, maipakikita natin ang katunayan ng ating makadiyos na debosyon at pag-ibig kay Jehova. Habang higit tayong nakikibahagi sa pagpapalaganap ng pabalita ng Kaharian, lalo namang nadaragdagan ang ating sigasig at magpapatunay na tayo ay tunay na isang masigasig na bayan para sa mabubuting gawa.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share