Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 7/88 p. 1-3
  • Isagawa ang Gawain ng Isang Ebanghelisador

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isagawa ang Gawain ng Isang Ebanghelisador
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • GAMITIN ANG BAGONG PAKSANG MAPAG-UUSAPAN
  • Ang Bawa’t Isa ay Maaaring Makabahagi
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Taglay ang mga Brochure
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Pamamagitan ng Paggamit ng mga Brochure sa Pagpapasimula ng mga Pag-aaral
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
  • Ipahayag ang Mabuting Balita ng Kaharian Taglay ang mga Brosyur
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
km 7/88 p. 1-3

Isagawa ang Gawain ng Isang Ebanghelisador

1 Pinasigla ni Pablo si Timoteo na manatiling timbang sa lahat ng bagay, isagawa ang gawain ng isang ebanghelisador, at lubusang ganapin ang kaniyang ministeryo. (2 Tim. 4:5) Maging bata man o matanda, bago sa katotohanan o malawak na ang karanasan sa pangangaral, nanaisin din nating lubusang makibahagi sa gawaing pag-eebanghelyo.

2 Samantalang inihahayag ang mabuting balita sa mga buwan ng Hulyo at Agosto, ating itatampok ang brochure ng Samahan na, Ang Pamahalaan na Magdadala ng Paraiso. Kung maglalaan tayo ng panahon upang maging pamilyar sa brochure na ito tayo sa ganang sarili ay mapasisigla ng pabalita nito hinggil sa Kaharian at mabisang maiaalok ito sa mga tao sa ating teritoryo.

GAMITIN ANG BAGONG PAKSANG MAPAG-UUSAPAN

3 Mapapansin ninyo na isang bagong Paksang Mapag-uusapan ang iminumungkahing gamitin kasama ng brochure na Pamahalaan. Taglay nito ang pamagat ng brochure at gumagamit ng mga teksto mula sa Mateo 6:9, 10 at Isaias 11:6-9. Inirerekomenda namin na maghanda kayo sa paggamit ng Paksang ito, magkaroon ng sesyon ng pagsasanay sa tahanan upang kayo’y maging mabisa. Narito ang isang mungkahing presentasyon na maaari ninyong gamitin:

4 “Magandang umaga po. Ako’y dumadalaw upang makipag-usap sa aking kapuwa hinggil sa mabuting pamahalaan. Nakatitiyak kong sasang-ayon kayo na ito’y isang bagay na ikinababahala ng lahat sa panahong ito. Subali’t napapansin ba ninyo na nasusumpungan ng karamihang pamahalaan sa ngayon na lalong nagiging mahirap na matugunan ang pangangailangan ng bawa’t isa? [Huminto para sa komento.] Sa palagay kaya ninyo’y may isang pamahalaan sa ngayon na makapagdadala ng paraiso sa mga mamamayan nito? [Hayaang magkomento.] Ang totoo, kapag ating idinadalangin ang panalanging Ama Namin tayo ay talagang dumadalangin sa Diyos na sana’y magpuno na ang kaniyang pamahalaan sa langit at sa lupa. [Basahin ang Mateo 6:9, 10.] Ang pamahalaan lamang na ito mula sa Diyos ang makapagdadala ng tunay na kapayapaan sa pagitan ng mga tao at maging sa pagitan ng mga tao at mga hayop. [Basahin ang Isaias 11:6-9.] Dito sa mga pahina 28 at 29 ng brochure na ito, makikita ninyo ang isang ilustrasyon ng mga kalagayan sa paraiso na pangyayarihin ng Kaharian ng Diyos sa lupa. Pinasisigla ko kayong magkaroon ng isang kopya sa abuloy na ₱4.20 at ako’y magagalak na muling dumalaw pagkaraan ng isang linggo upang tulungan kayong makinabang nang malaki mula sa brochure na ito.”

5 Mapapansin ninyo na ang Mateo 6:9, 10 ay binabanggit sa pahina 3 ng brochure na Pamahalaan, samantalang ang Isaias 11:6-9 ay tinutukoy sa pahina 29. Kaya, kapag ang mga tao ay abala o kaya’y nais ninyong paikliin ang inyong presentasyon sa pana-panahon, maaaring gamitin na lamang ninyo ang brochure sa inyong pambungad, buksan sa mga pahinang ito, at pagkatapos ay basahin ang angkop na mga kasulatan habang ipinakikita ang mga ilustrasyon. Ito ay maaaring maging isang mainam na paraan para ang baguhan o kabataang mga mamamahayag ay makapag-alok ng brochure sa gawain sa bahay-bahay. Walang pagsalang matutulungan ng mga magulang ang kanilang mga anak na maghanda ng gayong payak na presentasyon.

6 May kasigasigan nawa nating isagawa ang gawain ng mga ebanghelisador, na inaabot ang maraming mga tao hangga’t maaari taglay ang mainam na impormasyon sa brochure na ito.—1 Tim. 2:3, 4.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share