Awit 124
Ang Bunga ng Pagpipigil-sa-Sarili
1. Kalul’wa mo’y pag-ingatan;
Matwid, panindigan.
Sarili mo ay pigilan,
Tagumpay makakamtan.
2. Kung sa pag-ibig lalagi,
At Diyos gagayahin,
Pagpipigil-sa-sarili,
Dapat taglayin natin.
3. Ang katawa’y alipinin;
Pita’y huwag pagbigyan.
Upang iba’y maligtas din,
Ang sarili’y pigilan.
4. Sa hirap ay mahinahon,
At kung nagigipit;
Pumanig sa Panginoon;
Sa katwira’y mangapit.