Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • dg bahagi 1 p. 2-3
  • Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos?
  • Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos?
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Tanong na Kailangang Sagutin
    Gumising!—1990
  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2017
  • Tanong 3: Bakit Ako Hinahayaan ng Diyos na Magdusa?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Bakit Kaya Pinahihintulutan ng Diyos ang Pagdurusa?
    Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
Iba Pa
Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos?
dg bahagi 1 p. 2-3

Bahagi 1

Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos?

1, 2. Ano ang itinatanong ng mga tao tungkol sa Diyos, at bakit?

MINSAN sa iyong buhay, marahil ay naitanong mo na: ‘Kung may Diyos na talagang nagmamahal sa atin, bakit niya pinapayagan ang totoong maraming kahirapan?’ Lahat tayo ay nakaranas ng kahirapan o may nakikilalang dumaranas nito.

2 Oo, sa buong kasaysayan ang mga tao ay dumanas na ng kirot at dalamhati buhat sa digmaan, kalupitan, krimen, pang-aapi, karalitaan, sakit, at kamatayan ng mga mahal sa buhay. Sa ating ika-20 siglo lamang, ang mga digmaan ay pumatay nang mahigit na 100 milyong katao. Daan-daang milyong iba pa ang nangasaktan o nangawalan ng mga tahanan at ari-arian. Napakaraming kakila-kilabot na mga bagay na nangyari sa panahon natin, na nagbunga ng malaking kalungkutan, ng maraming luha, at ng kawalang-pag-asa para sa napakaraming tao.

3, 4. Ano ang paniwala ng marami tungkol sa pagpapahintulot ng Diyos sa kahirapan?

3 Ang ilan ay nagkaroon ng masaklap na kalooban at kanilang inaakalang kung mayroon mang Diyos, siya’y walang anumang pagmamahal sa atin. O maaari pa nga nilang madama na walang Diyos. Halimbawa, isang tao na dumanas ng pag-uusig buhat sa ibang lahi na naging sanhi ng pagkamatay ng mga kaibigan at pamilya sa Digmaang Pandaigdig I ang nagtanong: “Nasaan ang Diyos nang siya’y kailangan natin?” Ang isa pa, na nakaligtas nang lipulin ng mga Nazi ang angaw-angaw sa Digmaang Pandaigdig II, ay totoong napighati ng pagdurusang nakita niya anupat nasabi niya: “Kung ang aking puso ay mahihimuran mo, malalason ka nito.”

4 Kaya naman, hindi maunawaan ng maraming tao kung bakit ang isang mabuting Diyos ay papayag na mangyari ang masasamang bagay. Kanilang itinatanong kung talagang tayo’y mahal niya o kung siya’y umiiral nga. At marami sa kanila ang naniniwala na ang paghihirap ay laging magiging isang bahagi ng buhay ng tao.

[Larawan sa pahina 2, 3]

Malapit na ba ang isang bagong sanlibutan na walang kahirapan?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share