Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • be aralin 51 p. 263-p. 264 par. 4
  • Eksakto sa Oras, Tamang Pagkakabahagi

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Eksakto sa Oras, Tamang Pagkakabahagi
  • Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
  • Kaparehong Materyal
  • Tanong
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
  • Paghahanda ng mga Pahayag sa Kongregasyon
    Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
  • Paghahanda ng mga Atas ng Estudyante sa Paaralan
    Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
  • Makinabang Nang Lubusan Mula sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
Iba Pa
Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
be aralin 51 p. 263-p. 264 par. 4

ARALIN 51

Eksakto sa Oras, Tamang Pagkakabahagi

Ano ang kailangan mong gawin?

Ipahayag ang iyong paksa sa loob ng itinakdang oras, at gamitin ang mga angkop na bahagi ng iyong oras para sa bawat seksiyon ng pahayag.

Bakit ito mahalaga?

Kailangang magtakda ng sapat na panahon sa bawat pangunahing punto ng pagtuturo. Mahalagang tapusin ang pulong nang nasa oras.

BAGAMAN kailangang bigyan ng pangunahing pagdiriin ang kalidad ng iyong pagtuturo, ang oras ng iyong mga pahayag ay nangangailangan din ng pansin. Ang ating mga pulong ay nakaiskedyul na mag-umpisa at magtapos sa itinakdang oras. Ang pagtatamo nito ay humihiling ng pakikipagtulungan ng lahat ng may bahagi sa programa.

Noong kapanahunan ng Bibliya, ang pangmalas ng mga tao sa buhay ay naiiba kaysa sa maraming dako sa ngayon. Ang oras ay tinataya sa paggamit ng mga terminong tulad ng “bandang ikatlong oras” o “mga ikasampung oras.” (Mat. 20:3-6; Juan 1:39) Bihirang ikabahala ang eksaktong oras ng pang-araw-araw na gawain. Sa ilang bahagi ng daigdig sa ngayon, may gayunding pangmalas sa oras.

Gayunman, bagaman dahil sa lokal na kostumbre o personal na kagustuhan ay relaks nang kaunti ang mga tao hinggil sa oras, maaari tayong makinabang sa pamamagitan ng pagbibigay dito ng angkop na pansin. Kung marami ang inatasan ng bahagi sa isang programa, kailangang bigyan ng konsiderasyon ang oras na inilaan para sa bawat bahagi. Ang simulain na “maganap ang lahat ng bagay nang disente at ayon sa kaayusan” ay angkop na maikakapit sa pagiging nasa oras ng ating mga atas sa pulong.​—1 Cor. 14:40.

Pagtatamo ng Tamang Oras. Paghahanda ang siyang susi. Kadalasan, ang mga tagapagsalita na hindi tumatama sa oras ay walang sapat na paghahanda. Maaaring labis ang kanilang pagtitiwala. O maaaring basta ipinagpapaliban nila ang paghahanda hanggang sa huling minuto. Ang tamang oras ay nagsisimula sa pagpapahalaga sa iyong atas at sa pagnanais na maghandang mabuti.

Ang atas mo ba ay pagbabasa? Una, repasuhin ang Aralin 4 hanggang 7, na sumasaklaw sa katatasan, sandaling paghinto, pagdiriin ng mga susing salita, at pagdiriin ng pangunahing mga ideya. Pagkatapos, ikapit ang payong iyon habang binabasa mo nang malakas ang materyal na iniatas sa iyo. Orasan mo ang iyong sarili. Kailangan mo bang magbasa nang mas mabilis para makatapos sa takdang oras? Bilisan mo sa mga bahagi na hindi masyadong mahalaga, subalit patuloy na gumamit ng sandaling paghinto at pagbagal upang maidiin ang mahahalagang ideya. Mag-insayo nang paulit-ulit. Habang sumusulong ang iyong katatasan, mas madaling mabantayan ang iyong oras.

Gagamit ka ba ng mga nota sa pagsasalita? Hindi kailangang gawing detalyadung-detalyado ang iyong mga nota​—na mistulang isang manuskrito—​upang matiyak ang tamang oras. Nang ikinakapit ang Aralin 25, natutuhan mo ang mas mabuting paraan. Tandaan ang limang puntong ito: (1) Maghanda ng mabuting materyal, subalit hindi sobra. (2) Gawing malinaw sa isip ang pangunahing mga ideya, subalit huwag sasauluhin ang buong mga pangungusap. (3) Markahan sa iyong balangkas ang dami ng oras na pinaplano mong gamitin para sa bawat bahagi ng iyong pahayag o kung gaano kahabang oras ang dapat na nakalipas na kapag naabot mo na ang ilang espesipikong punto. (4) Kapag naghahanda, alamin kung anong mga detalye ang maaari mong kaltasin kapag nakita mong kinakapos ka na sa oras. (5) Insayuhin ang iyong pagpapahayag.

Ang pag-iinsayo ay mahalaga. Habang nag-iinsayo ka, bantayan ang oras ng bawat seksiyon ng iyong pahayag. Ulit-ulitin ang iyong pahayag hanggang sa ang buong pahayag mo ay tumama sa itinakdang oras. Huwag tangkaing isiksik ang sobrang materyal. Bigyan mo ng palugit ang iyong sarili sapagkat ang pagbigkas ng iyong pahayag sa harapan ng tagapakinig ay maaaring maging mas mahaba nang kaunti kaysa noong nag-iinsayo kang mag-isa.

Wastong Paghahati ng mga Bahagi. Ang pagiging tama sa oras ay may malapit na kaugnayan sa wastong paghahati ng mga bahagi ng isang pahayag. Ang kalakhang oras ay dapat gugulin sa pagpapahayag ng pinakakatawan. Naroroon ang mga pangunahing punto ng pagtuturo. Ang pambungad ay dapat na katamtaman lamang ang haba upang maabot ang tatlong tunguhing tinalakay sa Aralin 38. Ang pinakakatawan ay hindi dapat maging napakahaba anupat wala nang panahon para sa isang mabisang konklusyon, kasuwato ng Aralin 39.

Ang iyong mga pagsisikap na tumama sa oras ay magpapangyari ng isang mas mabuting pahayag at magpapakita ng iyong paggalang sa iba na may mga bahagi sa programa at maging sa buong kongregasyon.

KUNG PAANO ITO GAGAWIN

  • Maghandang mabuti​—na may sapat na panahon nang patiuna.

  • Magtakda ng angkop na oras para sa bawat bahagi ng iyong pahayag, at sundin iyon.

  • Insayuhin ang iyong pagpapahayag.

PAGSASANAY: Planuhin na makarating sa mga pulong ng kongregasyon nang 15 hanggang 20 minuto bago magsimula ang mga ito sa pamamagitan ng pagtatakda ng oras na kailangan sa paghahanda mo at ng iyong pamilya. Maglaan ng panahon para sa paglalakbay. Isaalang-alang kung paano haharapin ang karaniwang mga suliranin na maaaring maging dahilan ng iyong pagiging huli. Subukin nang ilang ulit ang iyong plano, na gumagawa ng kinakailangang mga pagbabago. Ang katulad na mga simulain ay kumakapit kapag ikaw ay nagpapahayag.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share