Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ll bahagi 7 p. 16-17
  • Sino si Jesus?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sino si Jesus?
  • Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman
  • Kaparehong Materyal
  • Sino si Jesu-Kristo?
    Ano ang Itinuturo sa Atin ng Bibliya?
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Sino si Jesu-Kristo?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
  • Si Jesu-Kristo—Isinugo ng Diyos?
    Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa
Iba Pa
Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman
ll bahagi 7 p. 16-17

BAHAGI 7

Sino si Jesus?

Isinugo ni Jehova si Jesus sa lupa. 1 Juan 4:9

Si Jesus sa langit sa kanan ng Diyos

Kung gusto nating mapasaya si Jehova, dapat tayong makinig sa isa pang importanteng persona. Bago pa lalangin si Adan, matagal nang nilalang ni Jehova ang isang makapangyarihang espiritu sa langit.

Si Maria habang ipinagbubuntis si Jesus at matapos itong ipanganak

Nang maglaon, pinangyari ni Jehova na maisilang ito ng birheng si Maria sa Betlehem. Jesus ang ipinangalan sa kaniya.​—Juan 6:38.

Nagtuturo si Jesus tungkol kay Jehova

Bilang tao, tinularang mabuti ni Jesus ang mga katangian ng Diyos. Siya ay mabait, mapagmahal, at madaling lapitan. Buong tapang niyang itinuro sa iba ang katotohanan tungkol kay Jehova.

Gumawa ng mabuti si Jesus pero kinapootan siya. 1 Pedro 2:21-24

Binuhay-muli ni Jesus ang isang dalagitang namatay at pinagaling ang isang lalaking may sakit

Pinagaling din ni Jesus ang mga maysakit at bumuhay siya ng mga patay.

Nagalit kay Jesus ang mga lider ng relihiyon dahil ibinunyag niya ang kanilang kasamaan at maling mga turo.

Hinagupit si Jesus at pinatay

Sinulsulan ng mga lider ng relihiyon ang mga tagapamahalang Romano na hagupitin at patayin si Jesus.

  • Bakit mahalagang makilala si Jesus?​—Juan 17:3.

  • Ano ang ginawa ni Jesus sa langit bago siya bumaba sa lupa?​—Colosas 1:15-17.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share