Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • yp1 p. 48
  • Mabuting Halimbawa—Jacob

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mabuting Halimbawa—Jacob
  • Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Nagbatî Sina Jacob at Esau
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Jacob
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Magkakambal Nguni’t Magkaiba
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Napunta kay Jacob ang Mana
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
Iba Pa
Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 1
yp1 p. 48

Mabuting Halimbawa​—Jacob

Matagal nang hindi nag-uusap ang magkapatid na Jacob at Esau. Galít na galít si Esau kay Jacob. Kahit wala namang atraso si Jacob, siya ang gumawa ng unang hakbang para makipagkasundo. Nagparaya siya. Gusto niyang makipagbati sa kaniyang kapatid; hindi ang mapatunayang siya ang nasa tama. Hindi ikinompromiso ni Jacob ang kaniyang mga prinsipyo, pero hindi naman niya iginiit na dapat munang humingi ng tawad si Esau bago siya makipagpayapaan.​—Genesis 25:27-34; 27:30-41; 32:3-22; 33:1-9.

Ano ang ginagawa mo kapag may di-pagkakasundo sa inyong pamilya? Baka may pagkakataong pakiramdam mo’y ikaw talaga ang tama at ang kapatid o magulang mo ang mali. Hihintayin mo bang sila ang unang lumapit sa iyo? O tutularan mo si Jacob? Kung wala namang malalabag na simulain sa Bibliya, handa ka bang magparaya alang-alang sa kapayapaan? (1 Pedro 3:8, 9) Hindi hinayaan ni Jacob na masira ang kaniyang pamilya dahil sa pride. Nagpakumbaba siya kaya nagkabati silang magkapatid. Handa ka bang gawin iyan para sa iyong pamilya?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share