Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • T-32 p. 1-4
  • Ano ang Sekreto sa Maligayang Pamilya?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ano ang Sekreto sa Maligayang Pamilya?
  • Ano ang Sekreto sa Maligayang Pamilya?
  • Kaparehong Materyal
  • Ano Kaya ang Mangyayari sa Hinaharap?
    Ano Kaya ang Mangyayari sa Hinaharap?
  • Matatapos Pa Ba ang Pagdurusa?
    Matatapos Pa ba ang Pagdurusa?
  • Puwede Pa Bang Mabuhay ang mga Patay?
    Puwede Pa Bang Mabuhay ang mga Patay?
  • Ano ang Bibliya Para sa Iyo?
    Ano ang Bibliya Para sa Iyo?
Iba Pa
Ano ang Sekreto sa Maligayang Pamilya?
T-32 p. 1-4

Ano ang Sekreto sa Maligayang Pamilya?

Sasabihin mo bang . . .

  • pagmamahalan?

  • pera?

  • iba pa?

ANG SABI NG BIBLIYA

“Maligaya ang mga nakikinig sa salita ng Diyos at tumutupad nito!”—Lucas 11:28, Bagong Sanlibutang Salin.

ANO ANG MAITUTULONG NITO SA IYO?

Matatagpuan mo ang tunay na pagmamahal.—Efeso 5:28, 29.

Taimtim kang igagalang.—Efeso 5:33.

Magiging totoong panatag ka.—Marcos 10:6-9.

Larawan ng masayang pamilya: Nanay kasama ang anak niya, mag-asawa, magulang kasama ang anak nila

MAPANINIWALAAN BA NATIN ANG SINASABI NG BIBLIYA?

Oo, sa dalawang dahilan:

  • Ang Diyos ang Tagapagpasimula ng buhay pampamilya. Sinasabi ng Bibliya na ang Diyos na Jehova ang “pinagmulan ng pangalan ng bawat pamilya.” (Efeso 3:14, 15) Sa ibang salita, nagkaroon ng pamilya dahil kay Jehova. Bakit mahalagang malaman iyan?

    Isipin ito: Kung nasarapan ka sa isang ulam at gusto mong malaman ang mga rekado nito, sino ang tatanungin mo? Hindi ba’t ang nagluto nito?

    Sa katulad na paraan, kung gusto nating malaman ang mga “rekado” para sa maligayang pamilya, alamin natin ito mula kay Jehova, ang Tagapagpasimula ng pamilya.—Genesis 2:18-24.

  • Nagmamalasakit sa inyo ang Diyos. Makatutulong sa pamilya ang pagsunod sa payo ni Jehova na nasa kaniyang Salita. Bakit? Dahil “nagmamalasakit siya sa inyo.” (1 Pedro 5:6, 7) Kapakanan ninyo ang iniisip ni Jehova—at ang mga payo niya ay laging tama!—Kawikaan 3:5, 6; Isaias 48:17, 18.

PAG-ISIPAN ITO

Mag-asawang pinapayuhan ng isang Kristiyanong elder; binabasa nila ang payo sa Bibliya

Paano ka magiging isang mabuting asawa o magulang?

Sinasagot iyan ng Bibliya sa EFESO 5:1, 2 at COLOSAS 3:18-21.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share