Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • yc leksiyon 8 p. 18-19
  • May Mabubuting Kaibigan si Josias

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • May Mabubuting Kaibigan si Josias
  • Turuan ang Iyong mga Anak
  • Kaparehong Materyal
  • Pinili ni Josias na Gawin ang Tama
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • Mahal ni Josias ang Kautusan ng Diyos
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Ang Mapagpakumbabang si Josias ay Nagkamit ng Pagsang-ayon ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
  • Ang Huling Mabait na Hari sa Israel
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
Iba Pa
Turuan ang Iyong mga Anak
yc leksiyon 8 p. 18-19
Nakikinig si Haring Josias sa kaibigan niyang si Jeremias

LEKSIYON 8

May Mabubuting Kaibigan si Josias

Mahirap bang gawin ang tama?​— Iniisip ng maraming tao na mahirap nga. May kuwento ang Bibliya tungkol sa batang lalaking si Josias. Hindi naging madali para sa kaniya na gawin ang tama. Pero may mabubuti siyang kaibigan na tumulong sa kaniya. Kilalanin natin si Josias pati na ang mga kaibigan niya.

Ang tatay ni Josias ay si Amon, hari ng Juda. Napakasama ni Amon at sumasamba siya sa mga diyos-diyosan. Noong mamatay si Amon, si Josias ang naging hari ng Juda. Pero walong taóng gulang lang siya! Sa palagay mo, masama din kaya siya gaya ng tatay niya?​— Hindi!

Sinasabi ni propeta Zefanias sa mga taga-Juda ang mensahe ni Jehova

Sinabihan ni Zefanias ang mga tao na huwag sumamba sa mga diyos-diyosan

Kahit batang-bata pa si Josias, gusto niyang sundin si Jehova. Kaya nakipagkaibigan siya doon lang sa mga taong mahal din si Jehova. Tinulungan nila si Josias na gawin ang tama. Sino ang ilan sa mga kaibigan ni Josias?

Isa si Zefanias sa mga kaibigan niya. Si Zefanias ay isang propeta na nagsabi sa mga taga-Juda na may masamang mangyayari sa kanila kung sasamba sila sa mga diyos-diyosan. Nakinig si Josias kay Zefanias. Si Jehova ang sinamba ni Josias at hindi ang mga diyos-diyosan.

Kaibigan din ni Josias si Jeremias. Halos magkaedad sila at magkalapit lang ang bahay nila. Nagtulungan sina Jeremias at Josias na gawin ang tama at sundin si Jehova. Talagang magkaibigan sila. Nang mamatay si Josias, lungkot na lungkot si Jeremias kaya gumawa siya ng kanta tungkol sa mahal niyang kaibigan.

Nagtulungan sina Jeremias at Josias na gawin ang tama

Ano ang matututunan mo kay Josias?​— Kahit noong bata pa si Josias, gusto niyang gawin kung ano ang tama. Alam niyang dapat siyang makipagkaibigan doon lang sa mga taong mahal si Jehova. Kaya dapat, makipagkaibigan ka lang din sa mga taong mahal si Jehova at makakatulong sa iyo na gawin ang tama!

BASAHIN SA IYONG BIBLIYA

  • 2 Cronica 33:​21-25; 34:​1, 2; 35:25

MGA TANONG:

  • Sino ang tatay ni Josias? Ginawa ba niya kung ano ang tama?

  • Ano ang gustong gawin ni Josias kahit noong batang-bata pa siya?

  • Ano ang pangalan ng dalawa sa mga kaibigan ni Josias?

  • Ano ang matututunan mo kay Josias?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share