Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • lfb aralin 56 p. 134-p. 135 par. 1
  • Mahal ni Josias ang Kautusan ng Diyos

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mahal ni Josias ang Kautusan ng Diyos
  • Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • May Mabubuting Kaibigan si Josias
    Turuan ang Iyong mga Anak
  • Ang Mapagpakumbabang si Josias ay Nagkamit ng Pagsang-ayon ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
  • Ang Huling Mabait na Hari sa Israel
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Pinili ni Josias na Gawin ang Tama
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
Iba Pa
Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
lfb aralin 56 p. 134-p. 135 par. 1
Binabasa ni Sapan kay Haring Josias ang balumbon

ARAL 56

Mahal ni Josias ang Kautusan ng Diyos

Walong taóng gulang si Josias nang maging hari siya ng Juda. Noong panahong iyon, ang mga tao ay nagsasagawa ng mahika at sumasamba sa mga diyos-diyusan. Nang 16 na taóng gulang na si Josias, sinikap niyang malaman kung paano sasambahin si Jehova sa tamang paraan. Noong 20 taóng gulang na siya, sinimulan niyang sirain ang mga diyos-diyusan at altar sa buong lupain. At nang 26 na siya, ipinaayos niya ang templo ni Jehova.

Sa templo, nakita ng mataas na saserdoteng si Hilkias ang balumbon ng Kautusan ni Jehova—baka ang mismong balumbon na isinulat ni Moises. Dinala ito kay Josias ng kaniyang sekretaryong si Sapan at binasa ito nang malakas sa kaniya. Habang nakikinig si Josias, naisip niyang matagal na palang sinusuway ng mga tao si Jehova. Sinabi ni Haring Josias kay Hilkias: ‘Galít na galít na si Jehova sa atin. Makipag-usap ka sa kaniya. Sasabihin sa atin ni Jehova kung ano ang dapat nating gawin.’ Sumagot si Jehova sa pamamagitan ng propetisang si Hulda: ‘Iniwan ako ng mga taga-Juda. Paparusahan ko sila pero hindi sa panahon ni Josias, dahil nagpakumbaba siya.’

Nakita ni Hilkias ang balumbon ng Kautusan ni Jehova

Nang marinig ni Haring Josias ang mensahe, pumunta siya sa templo at ipinatawag ang mamamayan ng Juda. Pagkatapos, binasa niya sa kanila nang malakas ang Kautusan ni Jehova. Nangako si Josias at ang mga tao na buong puso nilang susundin si Jehova.

Maraming taon nang hindi nagdiriwang ng Paskuwa ang Juda. Pero nang mabasa ni Josias sa Kautusan na dapat ipagdiwang taon-taon ang Paskuwa, sinabi niya sa bayan: ‘Magdiriwang tayo ng Paskuwa para kay Jehova.’ Naghanda si Josias ng napakaraming hain at naglagay ng mga mang-aawit sa templo. ’Tapos, ipinagdiwang ng bayan ang Paskuwa, at nang sumunod na araw ay ang Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa, na tumagal nang pitong araw. Noon lang nagkaroon ng ganoon kalaking pagdiriwang ng Paskuwa mula noong panahon ni Samuel. Talagang mahal ni Josias ang Kautusan ng Diyos. Ikaw, natutuwa ka bang matuto tungkol kay Jehova?

“Ang salita mo ay lampara sa aking paa, at liwanag sa aking landas.”​—Awit 119:105

Tanong: Ano ang reaksiyon ni Haring Josias nang marinig niya ang Kautusan ng Diyos? Ano ang nadama ni Jehova para kay Josias?

2 Hari 21:26; 22:1–23:30; 2 Cronica 34:1–35:25

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share