Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ypq tanong 4 p. 12-14
  • Paano Ko Itatama ang mga Pagkakamali Ko?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paano Ko Itatama ang mga Pagkakamali Ko?
  • Sagot sa 10 Tanong ng mga Kabataan
  • Kaparehong Materyal
  • Paano Ko Haharapin ang Aking mga Pagkakamali?
    Tanong ng mga Kabataan
  • Bakit Kailangang Aminin ang Isang Pagkakamali?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Ang Tamang Pananaw sa mga Pagkakamali
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2017
  • Natututo Ka Ba sa mga Pagkakamali Mo?
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2022
Iba Pa
Sagot sa 10 Tanong ng mga Kabataan
ypq tanong 4 p. 12-14
Dalawang batang nakatingin sa basag na windshield ng kotse

TANONG 4

Paano Ko Itatama ang mga Pagkakamali Ko?

KUNG BAKIT ITO MAHALAGA

Kapag inamin mo ang iyong mga pagkakamali, magiging mas responsable ka at mapagkakatiwalaan.

ANO ANG GAGAWIN MO?

Pag-isipan ang senaryong ito: Habang nakikipaglaro sa kaniyang mga kaibigan, inihagis ni Tim ang bola at tumama ito sa bintana ng kapitbahay nila.

Kung ikaw si Tim, ano ang gagawin mo?

MAG-ISIP MUNA!

MAY TATLO KANG PAGPIPILIAN:

  1. Tumakbo.

  2. Isisi sa iba.

  3. Ipagtapat sa kapitbahay ang nangyari, at sabihing babayaran mo ang nabasag.

Baka piliin mo ang A. Pero laging tama na aminin ang pagkakamali—tungkol man ito sa nabasag na salamin o iba pang bagay.

TATLONG DAHILAN KUNG BAKIT DAPAT AMININ ANG PAGKAKAMALI MO

  1. Ito ang tamang gawin.

    Ang sabi ng Bibliya: “Nais naming gumawi nang matapat sa lahat ng bagay.”—Hebreo 13:18.

  2. Mas mapapatawad ng iba ang mga umaamin sa kanilang mga pagkakamali.

    Ang sabi ng Bibliya: “Siyang nagtatakip ng kaniyang mga pagsalansang ay hindi magtatagumpay, ngunit siyang nagtatapat at nag-iiwan ng mga iyon ay pagpapakitaan ng awa.”—Kawikaan 28:13.

  3. Higit sa lahat, ito ang gusto ng Diyos.

    Ang sabi ng Bibliya: “Ang taong mapanlinlang ay karima-rimarim kay Jehova, ngunit ang Kaniyang matalik na pakikipag-ugnayan ay sa mga matuwid.”—Kawikaan 3:32.

Inilihim ni Karina, 20 anyos, sa daddy niya na natikitan siya dahil sa overspeeding. Pero nabisto rin siya. “Pagkalipas ng mga isang taon,” sinabi ni Karina, “nakita ni Daddy ang tiket na ’yon. Grabeng sermon ang inabot ko!”

Ang aral? Sabi ni Karina: “Kapag inililihim mo ang iyong pagkakamali, lalo ka lang mamomroblema. Pagbabayaran mo rin ’yon sa bandang huli!”

KUNG PAANO MATUTUTO SA PAGKAKAMALI MO

Ang sabi ng Bibliya: “Tayong lahat ay malimit magkamali.” (Santiago 3:2, Mabuting Balita Para sa Ating Panahon) At tanda ng pagpapakumbaba at pagiging mature na aminin ang pagkakamali mo—at gawin ito agad.

Pagkatapos, matuto sa iyong mga pagkakamali. Sabi ni Vera: “Kapag nagkakamali ako, iniisip ko kung ano ang dapat kong matutuhan dito para maging mas mabuting tao ako, at malaman kung ano ang gagawin ko ’pag napaharap uli ako sa gano’ng sitwasyon.” Tingnan natin kung paano mo iyan gagawin.

Hiniram mo ang bisikleta ng daddy mo at nasira mo ito. Ano ang gagawin mo?

  • Mananahimik ka lang at aasang hindi iyon mapapansin ng daddy mo.

  • Sasabihin mo sa daddy mo ang nangyari.

  • Sasabihin mo sa daddy mo ang nangyari pero isisisi mo ito sa iba.

Bumagsak ka sa exam dahil hindi ka nag-aral. Ano ang gagawin mo?

  • Isisisi mo sa exam.

  • Aaminin mong kasalanan mo kung bakit ka bumagsak.

  • Sasabihin mong pinag-iinitan ka ng titser mo.

Babaeng nakatingin sa rearview mirror habang nagmamaneho

Kung babalik-balikan mo ang mga pagkakamali mo, para kang nakatutok sa rearview mirror habang nagmamaneho

Balikan natin ang nasabing mga senaryo, at isipin mong ikaw ang (1) iyong daddy at (2) iyong titser. Ano ang iisipin sa iyo ng daddy at ng titser mo kung aaminin mo agad ang mga pagkakamali mo? Ano ang iisipin nila sa iyo kung pagtatakpan mo ang mga pagkakamali mo?

Umisip ng isang pagkakamali mo noong nakaraang taon at sagutin ang mga sumusunod.

Anong pagkakamali iyon? Paano mo iyon hinarap?

  • Pinagtakpan ko.

  • Isinisi ko sa iba.

  • Inamin ko agad.

Nang hindi mo aminin ang pagkakamali mo, ano ang nadama mo pagkatapos?

  • Ayos—nakalusot ako!

  • Nakonsensiya—sinabi ko sana ang totoo.

Paano mo sana hinarap ang sitwasyon?

Ano ang natutuhan mo sa pagkakamali mo?

ANO SA PALAGAY MO?

Bakit hindi inaamin ng ilan ang kanilang mga pagkakamali?

Ano ang iisipin sa iyo ng iba kung lagi mong pinagtatakpan ang mga pagkakamali mo, pero ano naman ang iisipin nila sa iyo kung aaminin mo ang mga pagkakamali mo?—Lucas 16:10.

ANG PLANO KONG GAWIN

  • Sa susunod na 12 buwan, ano ang tunguhin mo may kinalaman sa pagharap sa iyong mga pagkakamali?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share