Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • lfb aralin 51 p. 124-p. 125 par. 2
  • Ang Mandirigma at ang Batang Babae

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Mandirigma at ang Batang Babae
  • Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Gusto Niyang Makatulong
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • Nagpakababa ang Isang Taong Hambog
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Matigas ang Ulo Pero Sumunod Din
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Isang Batang Babae ay Tumulong sa Isang Makapangyarihang Lalaki
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
Iba Pa
Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
lfb aralin 51 p. 124-p. 125 par. 2
Pumunta si Naaman kay Eliseo para mapagaling

ARAL 51

Ang Mandirigma at ang Batang Babae

Sa lupain ng Sirya, may isang batang babaeng Israelita. Kinuha siya ng hukbong Siryano mula sa Israel, kaya napalayo siya sa kaniyang pamilya at naging katulong ng asawa ng pinuno ng hukbo na si Naaman. Sumasamba kay Jehova ang bata, kahit hindi si Jehova ang sinasamba ng mga taong kasama niya.

May nakakadiring sakit sa balat si Naaman, at lagi itong makirot. Gustong-gusto siyang tulungan ng bata. Sinabi ng bata sa asawa ni Naaman: ‘May kilala po akong makakapagpagaling sa asawa n’yo. Sa Israel, may propeta si Jehova na ang pangalan ay Eliseo. Mapapagaling niya ang asawa n’yo.’

Sinabi ito ng asawa ni Naaman sa kaniya. Handang gawin ni Naaman ang kahit ano, kaya pumunta siya sa bahay ni Eliseo sa Israel. Akala ni Naaman, sasalubungin siya ni Eliseo. Pero imbes na si Eliseo mismo ang makipag-usap sa kaniya, inutusan ni Eliseo ang kaniyang lingkod na salubungin si Naaman at sabihin: ‘Pumunta ka sa Ilog Jordan at maligo doon nang pitong beses. Pagkatapos, gagaling ka na.’

Nainis si Naaman. Sinabi niya: ‘Akala ko, pagagalingin ako ng propetang ito sa pamamagitan ng pagtawag niya sa kaniyang Diyos at pagpapadaan ng mga kamay niya sa aking ketong. Pero ngayon, sasabihin niyang pumunta ako sa ilog na ito sa Israel. Mas magaganda ang mga ilog namin sa Sirya. Do’n na lang ako maliligo!’ Galít na umalis si Naaman sa bahay ni Eliseo.

Naligo si Naaman sa Ilog Jordan at gumaling siya

Kinausap si Naaman ng kaniyang mga lingkod: ‘Hindi po ba’t gagawin n’yo ang lahat, gumaling lang kayo? Napakadali po ng ipinapagawa sa inyo ng propeta. Bakit hindi n’yo subukan?’ Nakinig si Naaman. Pumunta siya sa Ilog Jordan at lumublob doon nang pitong beses. Pagkatapos noon, gumaling si Naaman. Tuwang-tuwa siya, at bumalik siya kay Eliseo para magpasalamat. Sinabi ni Naaman: ‘Si Jehova nga ang tunay na Diyos.’ Ano kaya ang naramdaman ng batang babaeng Israelita pagbalik ni Naaman at makitang magaling na ito?

“Mula sa bibig ng mga bata at sanggol ay pinalabas mo ang papuri.”​—Mateo 21:16

Tanong: Madali kaya para sa batang babaeng Israelita na makipag-usap sa asawa ni Naaman? Ano kaya ang nakatulong sa kaniya na maging matapang?

2 Hari 5:1-19; Lucas 4:27

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share