Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w12 6/1 p. 30-31
  • Matigas ang Ulo Pero Sumunod Din

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Matigas ang Ulo Pero Sumunod Din
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Mandirigma at ang Batang Babae
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Nagpakababa ang Isang Taong Hambog
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Gusto Niyang Makatulong
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • Naaman
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
w12 6/1 p. 30-31

Turuan ang Iyong mga Anak

Matigas ang Ulo Pero Sumunod Din

MATIGAS ba ang ulo mo kung minsan?​—a Marahil ay nanood ka ng isang palabas sa TV na ipinagbabawal ng nanay o tatay mo. Pero pinagsisihan mo iyon nang bandang huli. May isang tao noon na sa simula ay matigas din ang ulo. Siya ay si Naaman. Tingnan natin kung paano siya natulungang magbago.

Kunwari’y nabubuhay tayo noong mahigit 3,000 taon na ang nakararaan. Ang Siryanong si Naaman ay isang maimpluwensiyang kumandante ng militar. Siya ang nag-uutos sa kaniyang mga sundalo, at sinusunod nila siya. Pero nagkaketong si Naaman. Nakapandidiri ang hitsura niya, at malamang na napakakirot ng mga sugat niya.

Ang asawa ni Naaman ay may alilang batang babae na taga-Israel. Isang araw, sinabi ng bata sa asawa ni Naaman ang tungkol kay Eliseo na taga-Israel din. Sinabi niyang mapagagaling nito si Naaman. Nang malaman ito ni Naaman, gusto niyang makapunta agad kay Eliseo. Nagdala siya ng maraming regalo at naglakbay patungong Israel kasama ang kaniyang mga sundalo. Nagpunta siya sa hari ng Israel para sabihin ang pakay niya.

Nabalitaan ito ni Eliseo at pinasabihan niya ang hari na papuntahin sa kaniya si Naaman. Pagdating ni Naaman sa bahay ni Eliseo, nagsugo lang si Eliseo ng mensahero para sabihin kay Naaman na maligo sa Ilog Jordan nang pitong beses para gumaling siya. Ano kaya ang nadama ni Naaman nang marinig niya ito?​—

Nagalit siya. Naging matigas ang ulo niya at tumangging sundin ang propeta ng Diyos. Sinabi niya sa kaniyang mga sundalo: ‘Maraming mas magagandang ilog sa atin na mapapaliguan.’ Aalis na sana si Naaman. Pero alam mo ba kung ano ang sinabi ng kaniyang mga sundalo?​— ‘Hindi po ba gagawin n’yo pa rin kahit mahirap ang ipagawa sa inyo ng propeta? Bakit hindi po ninyo subukang sundin ang ipinagagawa niya, hindi ba’t parang madali lang naman po ’yon?’

Pinakinggan ni Naaman ang kaniyang mga sundalo. Naligo siya sa ilog. Pag-ahon niya nang ikapitong beses, nagulat si Naaman​—wala na siyang ketong! Gumaling na siya! Bumalik siya agad sa bahay ni Eliseo, mga 48 kilometro ang layo, para magpasalamat. Gusto sana niyang bigyan ng mamahaling mga regalo si Eliseo, pero ayaw itong tanggapin ng propeta.

Kaya may hiniling na lang si Naaman kay Eliseo. Alam mo ba kung ano iyon?​— ‘Bigyan mo ako ng lupang mapapasan ng dalawang mula para iuwi.’ Bakit kaya?​— Sinabi ni Naaman na gusto niyang maghandog sa Diyos sa lupang nagmula sa bayan ng Diyos, ang Israel. Pagkatapos, nangako si Naaman na hinding-hindi na siya sasamba sa ibang diyos maliban kay Jehova! Hindi na matigas ang ulo niya. Handa na siyang sumunod sa tunay na Diyos.

Para ka bang si Naaman kung minsan?​— Kung matigas din ang ulo mo gaya ni Naaman, puwede ka namang magbago. Bakit hindi mo tanggapin ang tulong ng iba para magawa iyon?

Basahin sa iyong Bibliya

  • 2 Hari 5:1-19

  • Lucas 4:27

a Kapag binabasa mo ito sa isang bata, ang gatlang pagkatapos ng tanong ay nagsisilbing paalaala sa iyo na huminto at hintayin ang kaniyang sagot.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share