Introduksiyon sa Seksiyon 4
Magsisimula sa seksiyong ito ang kuwento tungkol kina Jose, Job, Moises, at sa mga Israelita. Marami silang pinagdaanang hirap dahil sa kagagawan ng Diyablo. Ang ilan sa kanila ay dumanas ng kawalang-katarungan, pagkabilanggo, pang-aalipin, at kamatayan pa nga. Pero iningatan sila ni Jehova sa iba’t ibang paraan. Kung isa kang magulang, tulungan ang iyong anak na maintindihan kung paano napanatili ng mga lingkod ni Jehova ang kanilang pananampalataya kahit dumanas sila ng hirap.
Ginamit ni Jehova ang Sampung Salot para ipakitang mas makapangyarihan siya kaysa sa lahat ng diyos ng Ehipto. Idiin kung paano iningatan ni Jehova ang kaniyang bayan noon at ngayon.