Introduksiyon sa Seksiyon 11
Sa seksiyong ito magsisimula ang Kristiyanong Griegong Kasulatan. Ipinanganak si Jesus sa isang mahirap na pamilya na nakatira sa isang maliit na nayon. Tumulong siya sa tatay niya sa pagkakarpintero. Si Jesus ang magliligtas sa sangkatauhan. Siya ang pinili ni Jehova na maging Hari sa Kaharian ng langit. Kung isa kang magulang, tulungan ang iyong anak na makita kung paanong si Jehova ay maingat na pumili ng pamilya at kapaligirang kalalakhan ni Jesus. Tingnan kung paano iningatan ni Jehova si Jesus para hindi ito mapatay ni Herodes at kung paanong walang makakahadlang sa layunin ni Jehova. Alamin kung paano iniatas ni Jehova kay Juan ang paghahanda ng daan para kay Jesus. Idiin kung paano ipinakita ni Jesus ang pagpapahalaga niya sa karunungan ni Jehova kahit noong bata pa siya.