Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • rr p. 14
  • 1B Ang Nilalaman ng Ezekiel

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • 1B Ang Nilalaman ng Ezekiel
  • Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
  • Kaparehong Materyal
  • Aklat ng Bibliya Bilang 26—Ezekiel
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
  • Ezekiel, Aklat ng
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • “Dumating Na ang Kawakasan Mo”
    Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
  • Mga Tampok na Bahagi sa Aklat ng Ezekiel—II
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
Iba Pa
Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
rr p. 14

KAHON 1B

Ang Nilalaman ng Ezekiel

Ang aklat ng Ezekiel ay puwedeng hatiin gaya ng sumusunod:

Listahan ng mga kabanata sa aklat ng Bibliya na Ezekiel

KABANATA 1 HANGGANG 3

Noong 613 B.C.E., habang naninirahan kasama ng mga Judiong bihag sa Babilonya, nakakita si Ezekiel ng mga pangitain mula kay Jehova at inatasan siyang humula sa mga Judio na naninirahan sa tabi ng ilog ng Kebar.

KABANATA 4 HANGGANG 24

Sa pagitan ng 613 at 609 B.C.E., naghayag si Ezekiel ng makahulang mga mensahe na pangunahin nang tungkol sa mga hatol laban sa Jerusalem at sa rebelde at idolatrosong bayan nito.

KABANATA 25 HANGGANG 32

Mula 609 B.C.E., ang taon kung kailan nagsimula ang huling pagkubkob ng Babilonya sa Jerusalem, ang mensahe ng paghatol ni Ezekiel ay hindi na para sa Jerusalem kundi para na sa kaaway na mga bansang nakapalibot sa kanila—ang Ammon, Edom, Ehipto, Moab, Filistia, Sidon, at Tiro.

KABANATA 33 HANGGANG 48

Mula 606 B.C.E., habang wasak ang Jerusalem at ang templo nito daan-daang kilometro ang layo, nagpokus na si Ezekiel sa mensahe ng pag-asa—ang kapana-panabik na pagbabalik ng dalisay na pagsamba sa Diyos na Jehova.

Ang aklat ng Ezekiel ay nakaayos ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at ayon sa paksa. Ang mga hula tungkol sa pagkawasak ng Jerusalem at ng templo nito ay nauna sa karamihan ng mga hula tungkol sa pagbabalik ng dalisay na pagsamba. Angkop ito dahil hindi magkakaroon ng hula tungkol sa pagbabalik kung hindi natigil ang pagsamba sa templo.

Isa pa, ang mga hula ni Ezekiel laban sa kaaway na mga bansang nakapalibot sa kanila (kabanata 25 hanggang 32) ay nasa pagitan ng mga mensahe ng paghatol sa Jerusalem at ng mga hula tungkol sa pagbabalik. Tungkol sa mga mensahe ng paghatol ni Ezekiel sa mga bansa, sinabi ng isang iskolar: “Angkop ang mga ito para ipakita ang pagbabago mula sa kapahayagan ng poot ng Diyos tungo sa awa Niya sa Kaniyang bayan, dahil ang pagpaparusa sa mga kaaway nila ay bahagi ng pagliligtas sa bayan Niya.”

Bumalik sa kabanata 1, parapo 18

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share