ARALIN 17
Madaling Maintindihan
1 Corinto 14:9
KUNG ANO ANG GAGAWIN: Tulungan ang mga tagapakinig na maintindihan ang kahulugan ng mensahe mo.
KUNG PAANO ITO GAGAWIN:
Pag-aralang mabuti ang materyal. Unawaing mabuti ang paksa para maipaliwanag mo ito nang simple sa sarili mong pananalita.
Gumamit ng maiikling pangungusap at simpleng mga parirala. Puwede namang gumamit ng mahahabang pangungusap, pero ipaliwanag ang mahahalagang punto sa maiikling parirala o pangungusap.
Ipaliwanag ang mga terminong di-pamilyar. Huwag gaanong gumamit ng mga terminong di-pamilyar sa mga tagapakinig mo. Kung kailangan mong bumanggit ng di-pamilyar na termino, karakter sa Bibliya, o sinaunang panukat o kaugalian, ipaliwanag ito.