Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • lmd aralin 8
  • Matiisin

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Matiisin
  • Mahalin ang mga Tao—Gumawa ng mga Alagad
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Ginawa ni Jesus
  • Ang Matututuhan Natin kay Jesus
  • Tularan si Jesus
  • Maging Matiisin
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2023
  • Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Gamitin sa Pagtuturo ang mga Video
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2016
  • Makakatulong sa Iyo ang Sakripisyo ni Jesus
    Iba Pang Paksa
  • May Interes sa Kausap
    Mahalin ang mga Tao—Gumawa ng mga Alagad
Iba Pa
Mahalin ang mga Tao—Gumawa ng mga Alagad
lmd aralin 8

PAGDALAW-MULI

Pinuntahan ni Jesus ang kapatid niyang si Santiago habang nagkakarpintero ito. Nagulat si Santiago.

Juan 7:​3-5; 1 Cor. 15:​3, 4, 7

ARALIN 8

Matiisin

Prinsipyo: “Ang pag-ibig ay matiisin.”​—1 Cor. 13:4.

Ang Ginawa ni Jesus

Pinuntahan ni Jesus ang kapatid niyang si Santiago habang nagkakarpintero ito. Nagulat si Santiago.

VIDEO: Hindi Sinukuan ni Jesus ang Kapatid Niya

1. Panoorin ang VIDEO, o basahin ang Juan 7:​3-5 at 1 Corinto 15:​3, 4, 7. Pagkatapos, pag-isipan ang sumusunod na mga tanong:

  1. Noong una, paano tumugon ang mga kapatid ni Jesus sa mensahe niya?

  2. Bakit natin masasabi na hindi sinukuan ni Jesus ang kapatid niyang si Santiago?

Ang Matututuhan Natin kay Jesus

2. Kailangan nating maging matiisin dahil hindi agad tinatanggap ng ilan ang mabuting balita.

Tularan si Jesus

3. Sumubok ng ibang paraan. Kung hindi agad pumayag magpa-Bible study ang kausap mo, huwag siyang pilitin. Kung angkop, gumamit ng mga video o artikulo para maintindihan niya kung ano ang ginagawa sa pag-aaral ng Bibliya at kung ano ang maitutulong nito sa kaniya.

4. Huwag magkumpara. Magkakaiba ang mga tao. Kung nag-aalangan ang isang kapamilya o RV na magpa-Bible study o nahihirapan siyang tanggapin ang isang turo sa Bibliya, pag-isipan kung bakit. May paniniwala ba siyang napakahalaga sa kaniya? Pine-pressure ba siya ng mga kamag-anak o kapitbahay niya? Bigyan mo siya ng panahong mapag-isipan ang mga sinabi mo at mapahalagahan ang sinasabi ng Bibliya.

5. Ipanalangin ang nakausap mong interesado. Hilingin kay Jehova na makapanatili kang positibo at mataktika. Ipanalangin na tulungan ka sanang malaman kung talaga bang interesado ang kausap mo at kung dapat ka nang huminto sa pagdalaw-muli.​—1 Cor. 9:26.

TINGNAN DIN

Mar. 4:​26-28; 1 Cor. 3:​5-9; 2 Ped. 3:9

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share