Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • lmd aralin 10
  • Determinado

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Determinado
  • Mahalin ang mga Tao—Gumawa ng mga Alagad
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Ginawa ni Jesus
  • Ang Matututuhan Natin kay Jesus
  • Tularan si Jesus
  • Matuto ng Aral Mula kay Nicodemo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2002
  • Tinuruan Niya si Nicodemo sa Gabi
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
  • Nicodemo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Tulungan ang mga Bible Study na Manindigan sa Katotohanan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2025
Iba Pa
Mahalin ang mga Tao—Gumawa ng mga Alagad
lmd aralin 10

PAGGAWA NG MGA ALAGAD

Si Jesus at si Nicodemo na nag-uusap sa bakuran isang gabi.

Juan 3:​1, 2

ARALIN 10

Determinado

Prinsipyo: “Gustong-gusto naming ibahagi sa inyo, hindi lang ang mabuting balita ng Diyos, kundi pati ang sarili namin, dahil napamahal na kayo sa amin.”​—1 Tes. 2:8.

Ang Ginawa ni Jesus

Si Jesus at si Nicodemo na nag-uusap sa bakuran isang gabi.

VIDEO: Tinuruan ni Jesus si Nicodemo

1. Panoorin ang VIDEO, o basahin ang Juan 3:1, 2. Pagkatapos, pag-isipan ang sumusunod na mga tanong:

  1. Bakit kaya sa gabi pumunta si Nicodemo kay Jesus?​—Tingnan ang Juan 12:​42, 43.

  2. Bakit natin masasabing determinado si Jesus na gumawa ng mga alagad nang kausapin niya si Nicodemo noong gabing iyon?

Ang Matututuhan Natin kay Jesus

2. Maipapakita nating mahal natin ang mga tao kung determinado tayong tulungan silang maging mga alagad.

Tularan si Jesus

3. Mag-study sa oras at lugar na kumbinyente sa estudyante mo. Baka may partikular na araw o oras siya na gusto. Mas gusto ba niyang mag-study sa lugar ng trabaho niya, sa bahay, o sa labas? Kung posible, i-adjust ang schedule mo base sa oras at lugar na gusto niya.

4. Gawing regular ang Bible study ninyo. Kung wala ka sa araw ng study ninyo, huwag itong kanselahin. Sa halip, pag-isipan:

  1. Puwede ba kayong mag-study sa ibang araw sa linggong iyon?

  2. Puwede ba ninyong gawin sa phone o video call ang study ninyo?

  3. May ibang kapatid ba na puwedeng mag-study sa kaniya?

5. Ipanalangin na manatili kang determinado. Hilingin kay Jehova na tulungan kang huwag sukuan ang Bible study mo, kahit hindi siya nakakapag-study nang regular o hindi niya agad naisasabuhay ang natututuhan niya. (Fil. 2:13) Siguradong maraming magagandang katangian ang study mo; ipanalangin na makapagpokus ka sa mga iyon.

TINGNAN DIN

Kaw. 3:27; Gawa 20:35; 2 Cor. 12:15

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share