ABITAL [Ang Ama ay Hamog]. Isa sa anim na asawa ni David na nagsilang sa kaniya ng mga anak noong panahong naghahari siya mula sa Hebron sa loob ng pito at kalahating taon (1077-1070 B.C.E.). Ang kaniyang anak ay pinanganlang Sepatias.—2Sa 3:4; 1Cr 3:3.