SEPATIAS
[Si Jehova ay Humatol].
1. Isa sa mga Benjamitang mandirigma na lumipat mula sa panig ni Saul tungo kay David sa Ziklag; isang Haripita.—1Cr 12:1, 2, 5.
2. Ang ikalimang anak na ipinanganak kay David habang namamahala ito sa Hebron (1077-1070 B.C.E.). Ang ina ni Sepatias ay si Abital.—2Sa 3:2, 4; 1Cr 3:1, 3.
3. Prinsipe ng tribo ni Simeon noong panahon ng paghahari ni David; anak ni Maaca.—1Cr 27:16, 22.
4. Isang anak ni Jehosapat na binigyan ng kaniyang ama ng maraming kaloob at nakukutaang lunsod, nang dakong huli ay pinatay ng kaniyang pinakamatandang kapatid na si Jehoram.—2Cr 21:2-4.
5. Isa sa mga prinsipe ng Juda na pagkakuha ng pahintulot ni Haring Zedekias na patayin si Jeremias ay nag-utos na ihagis ito sa isang imbakang-tubig; anak ni Mattan.—Jer 38:1-6, 10.
6. Pinagmulan ng isang pamilya sa Israel na dito ay 372 lalaki ang bumalik sa Jerusalem kasama ni Zerubabel noong 537 B.C.E., at 80 pa, na pinangunahan ni Zebadias, kasama naman ni Ezra noong 468 B.C.E.—Ezr 2:1, 2, 4; 8:1, 8; Ne 7:9.
7. Isang pamilya ng “mga anak ng mga lingkod ni Solomon” na bumalik din mula sa Babilonya kasama ni Zerubabel.—Ezr 2:1, 2, 55, 57; Ne 7:59.
8. Isang Benjamita na ang isa sa mga inapo ay nakatala na naninirahan sa Jerusalem pagkatapos ng pagkatapon sa Babilonya.—1Cr 9:7, 8.
9. Isang inapo ni Juda sa pamamagitan ni Perez at ninuno ng isa na nanirahan sa Jerusalem noong panahon ng pagkagobernador ni Nehemias.—Ne 11:1, 2, 4.