ADIN
[Mahilig sa Kaluguran].
Isa sa mga ulo ng Israel sa panig ng ama. Ang ilang daan sa kaniyang mga inapo ay bumalik mula sa pagkatapon sa Babilonya kasama ni Zerubabel. (Ezr 2:15; Ne 7:20) Nang maglaon, 51 pa mula sa kaniyang angkan ang bumalik kasama ni Ezra noong 468 B.C.E. (Ezr 8:6) Isang prinsipeng kinatawan ng sambahayan ni Adin sa panig ng ama ang kabilang sa mga nagpatotoo sa “mapagkakatiwalaang kaayusan” na binuo noong mga araw ni Nehemias.—Ne 9:38; 10:1, 16.