ADONIKAM
[Ang (Aking) Panginoon ay Bumangon [samakatuwid nga, upang tumulong]].
Ang pinagmulan ng isa sa mga sambahayan ng Israel sa panig ng ama. Mahigit na 600 miyembro ng pamilyang ito ang bumalik sa Jerusalem kasama ni Zerubabel pagkatapos ng pagkatapon sa Babilonya. (Ezr 2:13; Ne 7:18) Ang karagdagan pang 63 miyembro ng sambahayang ito sa panig ng ama ay sumama kay Ezra patungong Jerusalem noong 468 B.C.E. (Ezr 8:13) Nang patotohanan ng mga kinatawan ng mga sambahayan sa panig ng ama ang “mapagkakatiwalaang kaayusan,” o resolusyon na binuo noong mga araw ni Nehemias, lumilitaw na ang pamilyang ito ay nakatala sa pangalang Adonias.—Ne 9:38; 10:16.