Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Agata”
  • Agata

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Agata
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Onix
    Glosari
  • Sardonica
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Calcedonia
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Alam Mo Ba?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Agata”

AGATA

Mahalagang batong pampalamuti na isang anyo ng calcedonia, isang uri ng kwarts na may kulay.

Ang karamihan sa mga agata ay namumuo bilang mga butil sa patung-patong na deposito ng silica na nasa mga butas sa loob ng ilang uri ng bato. Ang ilang suson ng agata ay malinaw at ang ilan naman ay malabo, at iba-iba rin ang mga kulay ng mga ito dahil sa mikroskopikong mga partikula ng mga iron salt. Ang mga agata ay may kombinasyon ng mga kulay na gaya ng dilaw, kayumanggi, abuhin, asul, o itim, at may magagandang disenyo gaya ng maninipis at makakapal na guhit, o ulap-ulap. Ang agata ay mas matigas nang kaunti kaysa sa bakal at maaaring pakinisin para maging makintab na makintab.

Posibleng nanggaling sa Ehipto ang agata na ginamit ng mga Israelita sa ilang. Ayon kay Pliny na Nakatatanda, matatagpuan sa kapaligiran ng Thebes ang mga pulang agata na may mga guhit na puti. Maaaring ang gayong pulang agata ang uri ng batong inilagay sa “pektoral ng paghatol” ng mataas na saserdote upang kumatawan sa isa sa 12 tribo ng Israel. Agata (sa Heb., shevohʹ, isang uri ng mahalagang bato) ang panggitnang bato sa ikatlong hanay ng pektoral ni Aaron.​—Exo 28:2, 15, 19 (tlb sa Rbi8), 21; 39:12.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share