SARDONICA
Isang batong pampalamuti na isang klase ng agata, na isang uri naman ng calcedonia. Ito ay isang onix na binubuo ng dalawa o mahigit pang suson ng calcedoniang kulay-gatas at ng sard na malinaw at kulay pula. Gayunman, kung minsan, ang kasalitang suson ay kulay ginintuan o kayumanggi. Para sa mga Griego, ang pulang suson na nababanaag sa puting suson ay kakulay na kakulay ng kuko ng daliri, na malamang na dahilan kung bakit nila ikinapit dito ang salitang Griego na oʹnyx (nangangahulugang “kuko ng daliri”). Ang sardonica ay matatagpuan sa iba’t ibang lugar, kabilang na ang Palestina at Arabia.
Ang batong ito ay binanggit nang minsan sa Bibliya, sa Apocalipsis 21:2, 19, 20, kung saan ang ikalimang batong pundasyon ng “banal na lunsod, ang Bagong Jerusalem,” ay batong sardonica.