AHIEZER
[Ang Aking Kapatid ay Isang Katulong].
1. Anak ni Amisadai at pinuno ng tribo ni Dan, na pinili isang taon pagkatapos ng Pag-alis. (Bil 1:1, 4, 12) Bilang pinuno ng tribo, tinulungan niya si Moises sa sensus, pinamahalaan ang tatlong-tribong pangkat na bantay sa likuran kapag humahayo sila, at inihandog ang kaniyang handog noong ikasampung araw ng pagpapasinaya ng altar sa tabernakulo.—Bil 2:25; 7:66, 71; 10:25.
2. Isang anak ni Semaa na Gibeatita, at ulo ng makapangyarihang mga Benjamita na sumuporta kay David sa Ziklag.—1Cr 12:1-3.