Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Amatista”
  • Amatista

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Amatista
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Hiyas at Mahahalagang Bato
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Panloob na Kagandahan
    Gumising!—1989
  • Alam Mo Ba?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Safiro
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Amatista”

AMATISTA

Isang uri ng semiprecious na kristal na kwarts na kulay purpura o ube, at ginagamit sa mga alahas. Masusumpungan ito sa anyong hexagonal na mga kristal, at ang nagbibigay dito ng kulay ay ang mga bahid ng mangganeso o bakal na sangkap nito. Ang isang klase ng amatista ay uring kwarts (Occidental), samantalang ang mamahaling amatista (Oriental) ay isang uri ng corundum o safiro. Ang pangalang amatista ay galing sa salitang Griego na a·meʹthy·stos (nangangahulugang “huwag languin”), na ginamit sa Griegong Septuagint bilang salin ng salitang Hebreo na ʼach·la·mahʹ sa Exodo 28:19 at 39:12.

Ang ikatlong bato sa ikatlong hanay ng mga bato sa burdadong “pektoral ng paghatol” ng mataas na saserdote ng Israel ay isang amatista. (Exo 28:2, 15, 19, 21; 39:12) Sa pangitain ni Juan tungkol sa “Bagong Jerusalem,” nakita niya na batong amatista ang ikalabindalawang pundasyon ng pader ng banal na lunsod.​—Apo 21:2, 10, 19, 20.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share