Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Safiro”
  • Safiro

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Safiro
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Hiyas at Mahahalagang Bato
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Alam Mo Ba?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Si Jehova—Nakasisindak Ngunit Mapagmahal
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Amatista
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Safiro”

SAFIRO

Isang mahalagang bato na malinaw o napaglalagusan ng liwanag; isang uri ng corundum. Bagaman ang mga safiro ay may sari-saring kulay, yaong mga kulay matingkad na asul ang pinakamimithi. Lumilitaw na ang mga safiro na tinutukoy sa Bibliya ay asul.

Safiro ang isa sa mga bato na nasa “pektoral ng paghatol” ng mataas na saserdote.​—Exo 28:15-18; 39:11.

Inilarawan ni Job, na nabuhay noong mga ika-17 siglo B.C.E., ang mga pagsisikap ng mga tao na humukay sa kailaliman ng lupa upang makamina ng ginto at mahahalagang hiyas, at binanggit niya na kabilang ang safiro sa mga pambihirang bato na nahuhukay sa ganitong paraan. Ngunit, ang sabi ni Job, bagaman mahalaga ang safiro at mahirap itong makuha, ang karunungan ay malayong nakahihigit at hindi mababayaran ng gayong mga bato.​—Job 28:4-6, 12, 16.

Makasagisag na Paggamit. Ang makinang na kagandahan, gayundin ang nakalulugod, nakaaakit, at nakabibighaning epekto ng pagtingin sa mahahalagang hiyas, ay ginamit sa makasagisag na paraan may kaugnayan sa mga pangitain ng kaluwalhatian ng Diyos. Matapos maitatag ang tipang Kautusan, sina Moises, Aaron, Nadab, Abihu, at 70 sa matatandang lalaki ng Israel ay tumanggap ng isang pangitain tungkol kay Jehova, at sa ilalim ng kaniyang mga paa ay “may animo’y tulad ng latag na yari sa mga batong safiro at tulad ng mismong langit sa kadalisayan.” (Exo 24:8-11) Sa mga pangitain ng kaluwalhatian ni Jehova, makalawang ulit na nakita ni Ezekiel ang “wangis ng isang trono” na “gaya ng batong safiro.”​—Eze 1:1, 26-28; 10:1-4.

Nang si Jehova, bilang asawang Nagmamay-ari sa Sion, ay magsalita tungkol sa pagsasauli at pagpapaganda rito, sinabi niya: “Ang iyong pundasyon ay ilalatag ko na may mga safiro.” (Isa 54:5, 11) Sa katulad na paraan, isiniwalat ng pangitain ng apostol na si Juan tungkol sa makalangit na Bagong Jerusalem na ang safiro ay bahagi ng mga pundasyon nito.​—Apo 21:2, 19.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share