Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Amfipolis”
  • Amfipolis

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Amfipolis
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Via Egnatia—Isang Haywey na Nakatulong sa Pagpapalawak
    Gumising!—1997
  • Apolonia
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Macedonia, Taga-Macedonia
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Filipos
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Amfipolis”

AMFIPOLIS

[Sa Palibot ng Lunsod].

Isang lunsod ng Macedonia, mga 5 km (3 mi) mula sa Dagat Aegeano at sa daungang-dagat ng Eion. Dumaan dito si Pablo noong kaniyang ikalawang paglalakbay bilang misyonero. (Gaw 17:1) Itinayo ito sa isang burol na napalilibutan sa tatlong panig niyaon (sa H, K, at T) ng paliku-likong ilog ng Strymon, anupat walang alinlangan na ang kalagayang ito ang pinagmulan ng pangalan ng lunsod. Ang Amfipolis ay mga 50 km (30 mi) sa KTK ng Filipos at, dahil sa posisyon nito sa bantog na Romanong lansangang-bayan na Via Egnatia at dahil nasa ilalim ng kontrol nito ang tulay sa ibabaw ng ilog ng Strymon, napakaestratehiko nito at napakahalaga nito sa komersiyo. Itinatag ito bilang isang kolonya ng Atenas noong ikalimang siglo B.C.E. ngunit nang maglaon ay napasailalim ito sa pamamahala ng mga taga-Macedonia. Pagkatapos nito, nakontrol ito ng Roma at ginawang isang malayang lunsod at kabisera ng unang distrito ng Macedonia. Ang mga guho nito ay matatagpuan sa labas lamang ng makabagong nayon na tinatawag ding Amfipolis (Amfipoli).

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share