APOLONIA
[Ni (Kay) Apolo; Dako ni Apolo].
Isang lunsod sa Macedonia, isinunod sa pangalan ng Griegong diyos-araw na si Apolo, gaya ng maraming iba pang lunsod sa lugar ng Mediteraneo. Ito ay nasa distrito ng Mygdonia at mga 35 km (22 mi) mula sa Amfipolis at 45 km (28 mi) mula sa Tesalonica, o mga isang araw na paglalakbay mula sa nabanggit na mga lugar. Dinaraanan ito ng bantog na Romanong lansangang-bayan na Via Egnatia, sa T ng Lawa ng Bolbe, ngunit hindi ito naging prominente sa kasaysayan. Dumaan sa Apolonia sina Pablo at Silas noong ikalawang paglalakbay ni Pablo bilang misyonero, malamang ay noong tagsibol o noong pasimula ng tag-init ng taóng 50 C.E.—Gaw 17:1.