Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Ar”
  • Ar

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ar
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Moab, Mga Moabita
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Bet-gamul
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Arnon, Agusang Libis ng
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Keriot
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Ar”

AR

[malamang, Lunsod].

Isang lunsod sa Moab, posibleng ang kabisera nito. Ito ay nasa T na panig ng Libis ng Arnon, ngunit hindi matiyak ang eksaktong lokasyon nito. (Bil 21:15) Kung minsan ay ginagamit ang Ar upang tumukoy sa Moab. (Deu 2:9, 18, 29) May panahong umabot sa H ng Arnon ang mga hangganan ng Moab, ngunit ang rehiyong iyon ay kinuha sa kanila ni Haring Sihon ng mga Amorita. (Bil 21:26-28) Hindi sinalakay ng mga Israelita ang Moab dahil pinagbawalan sila ni Jehova na gawin iyon, yamang ibinigay niya sa mga anak ni Lot bilang “isang ari-arian” ang ‘teritoryo ng Moab, samakatuwid ay ang Ar.’ (Deu 2:9, 18, 29) Sa kaniyang kapahayagan ng pagkatiwangwang laban sa Moab, inihula ni Isaias na ‘patatahimikin’ ang Ar kasama ng iba pang mga pangunahing lunsod ng Moab.​—Isa 15:1.

Yamang ang pangalang Ar ay malamang na nangangahulugang “Lunsod,” ipinapalagay ng ilan na ang “lunsod ng Moab” (sa Heb., ʽir Moh·ʼavʹ) na binanggit sa Bilang 22:36 at gayundin ang “lunsod” sa Deuteronomio 2:36 ay kapuwa tumutukoy sa Ar.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share