BET-GAMUL
[Bahay ng Isa na Inawat sa Suso (o, Isa na Tumatanggap ng Kaukulang Pakikitungo)].
Isang lunsod na binanggit may kaugnayan sa mga kapahayagan ni Jehova laban sa Moab. Itinala ito kasama ng Dibon at ng iba pang mga lunsod ng “lupain ng kapatagan” ng Moab. (Jer 48:21, 23) Karaniwang ipinapalagay na ito ang Jumaiyil na nasa talampas na rehiyon ng Moab na mga 13 km (8 mi) sa S ng Dibon (Dhiban). Ipinakikita ng katibayan na ang rehiyong ito na di-kalayuan sa H ng Arnon ay sinasaka noong sinaunang mga panahon.