Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Benaias”
  • Benaias

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Benaias
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Amizabad
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Peleteo, Mga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Simei
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Adonias
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Benaias”

BENAIAS

[Si Jehova ay Nagtayo].

1. Anak ng isang Levitikong punong saserdote na nagngangalang Jehoiada, at ama ng dalawang anak, sina Amizabad at Jehoiada. (1Cr 27:5, 6, 34) Si Benaias ay isang makapangyarihang mandirigma na may pambihirang kagitingan at lakas ng loob; “higit nga siyang kilala kaysa sa tatlumpu” na makapangyarihang mga lalaki ng mga hukbo ni David, bagaman “sa ranggo ng tatlo ay hindi siya umabot.”​—2Sa 23:20-23.

Ipinakita ni Benaias ang kaniyang kagitingan sa tatlong paraan: sa pagpapabagsak sa dalawang malalakas na bayani ng Moab, sa walang-takot na paglusong sa isang balon kung saan niya pinatay ang isang leon, at sa pananaig sa pambihirang mga hamon na patayin ang isang higanteng Ehipsiyo sa pamamagitan ng sarili nitong sibat. (1Cr 11:22-24) Inilagay ni David ang matapang na lalaking ito upang mamahala sa kaniyang personal na tagapagbantay. (1Cr 11:24, 25) Ang mga Kereteo at mga Peleteo, sa pangunguna ni Benaias, ay nanatiling matapat sa hari noong panahon ng mga paghihimagsik nina Absalom at Adonias. (2Sa 8:18; 15:18; 20:23; 1Ha 1:8, 10, 26; 1Cr 18:17) Karagdagan pa, inatasan si Benaias na mamahala sa ikatlong karilyebong pangkat ng hukbo na may 24,000 lalaki. (1Cr 27:5, 6) Noong si David ay matanda na, sinuportahan ni Benaias at ng mga Kereteo at mga Peleteo ang koronasyon ni Solomon. (1Ha 1:32-40) Nang dakong huli, sa ilalim ng paghahari ni Solomon, inatasan si Benaias na isagawa ang pagpatay kina Adonias, Joab, at Simei, at inilagay rin siya ni Solomon upang mamahala sa hukbo.​—1Ha 2:24, 25, 28-46; 4:4.

2. Isa sa makapangyarihang mga lalaki ni David, kumandante ng ika-11 karilyebong pangkat ng hukbo; isang Piratonita na mula sa tribo ni Efraim.​—2Sa 23:30; 1Cr 11:31; 27:14.

3. Isang Levitang manunugtog na tumugtog ng kaniyang panugtog na de-kuwerdas nang ihatid ang kaban ng tipan patungo sa Jerusalem at ilagay sa tolda na inihanda ni David para rito.​—1Cr 15:18, 20; 16:1, 5.

4. Isang saserdote na nagpatunog ng trumpeta nang ang Kaban ay dalhin sa Jerusalem noong panahon ng paghahari ni David.​—1Cr 15:24; 16:6.

5. Isang Levitang inapo ni Asap.​—2Cr 20:14.

6. Isang Simeonita, posibleng isang kapanahon ni Haring Hezekias.​—1Cr 4:24, 36-43.

7. Isang Levita na inatasan ni Hezekias na tumulong sa pag-aasikaso sa saganang abuloy para sa bahay ni Jehova.​—2Cr 31:12, 13.

8. Ama ni Pelatias na isa sa mga balakyot na prinsipe na nakita sa pangitain ni Ezekiel.​—Eze 11:1, 13.

9, 10, 11, 12. Apat na lalaki na nagpaalis sa kanilang mga asawang banyaga at mga anak dahil sa payo ni Ezra. Ang apat na ito ay inapo nina Paros, Pahat-moab, Bani, at Nebo.​—Ezr 10:25, 30, 34, 35, 43, 44.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share