AMIZABAD
[Ang Aking Bayan ay Nagkaloob].
Anak ni Benaias, ang makapangyarihang lalaki ni Haring David na namamahala sa 30 namumukod-tanging mandirigma. Si Amizabad ay gumanap sa katungkulan ng kaniyang amang si Benaias bilang tagapangasiwa sa ikatlong pangkat na naglilingkod sa hari, para sa ikatlong buwan ng taon.—1Cr 27:5, 6.