KABZEEL
[Tinipon ng Diyos].
Isang lunsod sa timugang bahagi ng Juda. (Jos 15:21) Ipinapalagay na ito ay ang Khirbet Hora (Horvat Hur), na mga 10 km (6 na mi) sa SHS ng Beer-sheba. Ang Kabzeel sa tekstong Hebreo ng 2 Samuel 23:20 at 1 Cronica 11:22 ay inuunawa sa ganitong iba’t ibang paraan: (1) bayan ng kilalang mandirigma na si Benaias, (2) bayan ng isa sa kaniyang mga ninuno o lugar kung saan nagsagawa ng bantog na mga gawa ang gayong indibiduwal, o (3) pinangyarihan ng maraming gawa ni Benaias. (Ihambing ang AS; KJ; JB; Le; NW; RS.) Ang isa pang anyo nito, ang “Jekabzeel,” ay lumilitaw sa Nehemias 11:25 sa isang talaan ng mga pamayanan sa Juda pagkaraan ng pagkatapon.