BET-ANAT
[Bahay ni Anat].
Isa sa mga nakukutaang lunsod na iniatas sa tribo ni Neptali (Jos 19:38, 39), ngunit hindi nila pinalayas ang mga Canaanitang tumatahan doon, kundi sa halip ay isinailalim nila ang mga ito sa puwersahang pagtatrabaho. (Huk 1:33) Ipinapalagay na posibleng ito rin ang Safed el-Battikh na 24 na km (15 mi) sa STS ng Tiro. Ang bayan ay binabanggit sa mga talaan ng iba’t ibang mga tagapamahalang Ehipsiyo noong panahon ng “Bagong Kaharian.”