BET-DIBLATAIM
[Bahay ni Diblataim].
Isang lunsod sa Moab (Jer 48:22) na ang lokasyon ay hindi alam. Gayunman, maaaring ito ang lugar na tinatawag na Almon-diblataim sa Bilang 33:46. Sa inskripsiyon ng Batong Moabita, may binabanggit na isang lunsod na tinatawag na Bet-diblaten na itinayo ni Mesa na hari ng Moab.