BET-GADER
[Bahay ng Batong Pader].
Isang pangalan na lumilitaw sa talaangkanan ni Juda. (1Cr 2:50, 51) Ang pangalan ay waring tumutukoy sa isang lugar at hindi sa isang tao. Kaya naman sinasabi ng ilang iskolar na ito ay isang bayan sa Juda. Ang Bet-gader ay posibleng siya ring Geder, isang bayan na ang hari ay kabilang sa mga nilupig ni Josue sa rehiyon sa K ng Jordan.—Jos 12:13.